KINUMPIRMA ni Senador Christopher “Bong” Go na mahigpit ang bilin ni Pangulong Rodrigo Duterte na agad na i-deploy ang mga bakuna lalo na sa mga high risk areas dahil sa tumataas na kaso ng COVID-19.
Sinabi ni Go na sa pulong nila kamakalawa ng gabi kasama ang Pangulo at Vaccine Czar Carlito Galvez kung saan natalakay ang panawagan ni Dipolog City Mayor Darel Uy dahil sa tumataas na kaso ng COVID-19 sa kanila.
Ayon kay Go, base sa pakikipag-usap nila kay Mayor Uy, kailangan ng tulong ng Dipolog dahil kulang ang health workers nila.
Inihayag ni Go na habang tumataas ang kaso ng iba’t ibang lugar sa bansa ay mahalagang maipakalat na rin ang mga bakuna dahil makakatulong ito sa pag-neutralize sa sitwasyon.
Inihalimbawa ni Go ang pagtaas ng COVID-19 cases sa Metro Manila noong Marso hanggang Abril kung saan naging stable ang sitwasyon nang magdatingan ang mga bakuna
Natutuwa namang kinumpirma ni Go na 85% ng mga health workers sa National Childrens Hospital ang nagpabakuna na magandang indikasyon aniya na tumataas na ang tiwala ng mga kababayan sa COVID-19 vaccines. (Mylene Alfonso)
The post Sen. Go: Mga bakuna dalin sa mga lugar na tumataas ang kaso ng COVID-19 appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: