IBA talaga ang datingan nitong ating kaibigan na si Kap Joel Savares ng Barangay 2 ng lungsod ng Pasay.
Dekalidad sadya ang kanyang pamumuno sa kanyang barangay. Sadyang nirerespeto at hinahangaan.
Dahil nga sa kanyang malawak na karanasan bilang dating Kagawad,nahinog at nahulma ng todo ang kanyang management and leadership style.
Bilang punong barangay ng Barangay 2 ng Pasay,hindi birong responsibilidad ang nakaatang sa kanyang mga balikat na kanyang ginagampanan sa araw-araw.
Responsibilidad hindi lamang sa kanyang mga constituents kundi sa kabuuan ng pamahalaan ng lungsod Pasay.
Hindi lamang mabait at mabuting tao itong si Kap Joel kundi totoong may pusong maka- masa at makamahirap.
Marami sa kanyang mga kapwa public servants ang humahanga sa kanya dahil sa respeto at kooperasyong ipinagkakaloob sa kanya ng kanyang mga nasasakupan.
Bihira sa mga punong barangay natin sa buong bansa ang makatanggap ng paghanga mula sa mismong mga taong kanyang nasasakupan.
Sadyang matulungin at may malambot na puso si Kap Joel Savares,kahit pa nga di nya kabarangay ay bukas ang kanyang magkabilang palad sa pagtulong sa sino man na nangangailangan.
Marami ang nagsasabi na sa kalidad ng pagseserbisyo ni Kap Joel sa kanyang mga nasasakupan,puwedeng puwede na itong tumakbong konsehal.
Sa totoo lang,marami sa mga sitting councilor natin sa Pasay ang mai- insecure dito kay Kap,bukod sa talagang magaling ng makisama,super talaga ang karisma at PR nito sa lahat.
Asset ika nga sa sino mang pulitiko o political group kung masasama si Kap Savares dahil sa angkin magic at appeal nito sa masa Pasayeños.
Hindi lamang pang serbisyo publiko ang angking katangian ni Kap Joel,may tikas at tapang din itong taglay laban sa mga pasaway at dorobo ng kanyang pamayanan.
Yung mga magnanakaw,adik at tulak ay di uobra sa mamang kapitan.
Kung may malambot itong puso para sa mga tahimik nitong mamamayan,mas lalong higit ang bayag nito at tapang laban sa masasamang elemento ng lipunan.
Ika nga,for all seasons si Kap Joel.
Tough guy with a soft heart. Yan ang ating kaibigang si Kap Joel Savares.
Lodi talaga kita Kap. You are one of a kind.
Stay safe Kap.
Cheers and more power!
***
PARA SA INYONG KOMENTO,REAKSYON AT SUHESTIYON,MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP NO.0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com
The post Kap Joel Savares Brgy. 2, Pasay City appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: