Facebook

P7.5M budget sa insurance ng barangay officials, aprubado ni Isko

SA kauna-unahang pagkakataon sa kasaysayan ng mga barangay sa kabisera ng bansa ay magkakaron na ng insurance coverage ang lahat ng mga opisyal at kawani ng 896 na barangay sa Maynila.

Ito ay matapos na aprubahan ni Manila Mayor Isko Moreno ang budget na P7.5 milyon para sa accident insurance ng lahat ng barangay officials sa lungsod.

Nabatid na nilagdaan ni Moreno ang Letter of Confirmation nitong Lunes, sa isang ceremonial signing kasama sina Vice Mayor Honey Lacuna, Council majority floorleader Joel Chua, Barangay Bureau chief Romy Bagay, Liga ng Barangay head Lei Lacuna, Department of Interior and Local Government-Manila City Director Atty. Rolynne Javier, CESO V, at mga opisyal mula sa Government Service Insurance System (GSIS).

Sa ilalim ng budget, nasa 45,700 barangay officials ang makakakuha ng insurance coverage, kabilang na rito ang Punong Barangay, Sangguniang Barangay Member, Sangguniang Kabataan Chairperson, Barangay Secretary, Barangay Treasurer, mga miyembro ng Lupong Tagapamayapa at maging ang mga miyembro ng Barangay Tanod Brigade.

“Sinosoga natin sila sa frontlines kaya kailangan ito. Matagal na naming pangarap ito para sa mga barangay officials,” ayon kay Moreno.

Sa ilalim ng panukala ng GSIS, ang bawat opisyal ng barangay ay entitled sa accidental death compensation na P150,000; medical reimbursement na P15,000, at burial assistance na nagkakahalaga ng P10,000.

Ang naturang insurance provision ay mandated sa ilalim ng Resolution No. 1, series of 2021, ng Manila Peace and Order Council (MPOC) at alinsunod sa pagpapatupad ng 2020 to 2022 Manila Peace and Order and Public Safety (POPS) Plan.

Sinabi ni Bagay na labis na natutuwa ang mga opisyal at kawani ng barangay sa pangyayari at nagpapasalamat ang mga ito sa inisyatibo ni Moreno.

Binaggit pa ni Bagay na ito ay kauna-unahang pagkakataon na nagbigay ng insurance sa mga nagpapatakbo ng barangay. (ANDI GARCIA)

The post P7.5M budget sa insurance ng barangay officials, aprubado ni Isko appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
P7.5M budget sa insurance ng barangay officials, aprubado ni Isko P7.5M budget sa insurance ng barangay officials, aprubado ni Isko Reviewed by misfitgympal on Hunyo 14, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.