Facebook

Bucks vs Nets tabla sa 2-2

NAITABLA ng Milwaukee Bucks sa 2-2 ang second-round ng Eastern Conference semifinals nila ng Brooklyn Nets 107-96 kahapon sa Fiserve Forum sa Milwaukee.

Sinamantala ng Bucks ang pagkakataon ang kawalan ng pangunahing manlalaro ng Nets na sina James Harden at Kyrie Irving.

Mula sa first game ay nagtamo na ng right tightness injury si Harden kaya hindi na nakapaglaro noong Game 1 habang nagtamo naman ng sprained right ankle injury si Irving sa kalagitnaan ng second quarter ng namali ang pagkalapag nito ng mag-drive at naapakan ang paa ni Giannis Antetokounmpo.

Bumida sa panalo ng Bucks si Antetokounmpo na mayroong 34 points habang mayroong 19 points ang naibuslo ni Khris Middleton.

Tila nabura ng Bucks ang 0-2 lead ng Nets habang kuwestiyonable pa rin ang paglalaro ni Irving sa Game 5, sa Brooklyn.

The post Bucks vs Nets tabla sa 2-2 appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Bucks vs Nets tabla sa 2-2 Bucks vs Nets tabla sa 2-2 Reviewed by misfitgympal on Hunyo 14, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.