Facebook

Kung sinsero ang law enforcers; illegal drugs wala na dapat!

SA kabila ng mga insentibo tulad sa pagbibigay ng CASH REWARDS ng PHILIPPINE DRUG ENFORCEMENT AGENCY (PDEA) sa mga CIVILIAN INFORMANT ay maituturing pa ring may mga LAW ENFORCER ang hinde sinsero sa kampanya ni PRESIDENT RODRIGO DUTERTE laban sa ILLEGAL DRUGS dahil namamayagpag pa rin ang operasyon ng DRUG SYNDICATES.

Ang laban kontra ILLEGAL DRUGS ay hinde lamang gampanin ng PDEA o ng PHILIPPINE NATIONAL POLICE kundi katuwang din dito ang lahat ng government agencies mula sa hanay ng BARANGAY OFFICIALS na kung ang lahat ay kaisa sa kampanya ay wala na dapat pang illegal drug operations sa ating bansa.

Kung ikinakatuwiran ng LAW ENFORCERS na nalansag na nila ang mga laboratoryo ng ILLEGAL DRUGS sa ating bansa at ang mga drogang ipinapakalat ng DRUG SYNDICATES ay sinasabing iniimporta mula sa ibang bansa ay kayang-kaya naman dapat na maharang ang mga ito dahil nariyan ang PHILIPPINE AIRFORCE, PHILIPPINE NAVY, PHILIPPINE COAST GUARD at iba pang GOVERNMENT FORCES na sasabat sa illegal drugs na ipadadala sa ating bansa ng mga INTERNATIONAL DRUG SYNDICATE.

Pero.., bakit nakakapagpatuloy pa rin ang illegal drugs operation? Indikasyon lamang ito na may ilang mga GOVERNMENT PERSONALITIES ang nakikipagkutsabahan o sila mismo ang namamalakad ng isang drug syndicate.., kaya naipalulusot ang mga inimportang illegal drugs mula sa ibang mga bansa.

Ang dapat na sinasakote ay “GOVERNMENT OFFICIALS” na konektado sa illegal drigs at hinde lang iyong mga mababang ranggo na involved sa sindikato ang naaaresto at ipinami-media.., dahil hinde kakayanin ng mababang ranggo na mag-operate ng DRUG SYNDICATE kung walang kakonektang HIGH RANKING OFFICIALS.

Anumang pagpupursige ng LAW ENFORCERS sa kampanya laban sa illegal drugs ay lalabas na parang “moro-moro” o “sarsuwela” lang ang mga operasyon dahil nakakapamayagpag pa rin ang DRUG SYNDICATE at hinde maiiwasan sa ilang sibilyan na magdudang “baka may kinikilingang drug syndicate”.., kaya tuloy-tuloy pa rin ang illegal drugs at mga pipitsuging pusher lang ang karamihang ibinibida na naaaresto ng mga operatiba.

Gayunman, kahit paano ay may katulungan pa rin ang mga INFORMER at bilang insentibo ng PDEA sa liderato ni DIRECTOR GENERAL WILKINS VILLANUEVA ay CASH REWARD ang ibinibigay.., tulad nitong nakaraang Lunes ay 16 na CIVILIAN INFORMANTS ang nabigyan ng pabuya.

May kabuuang P3,594,314.94 cash ang naipamahaging REWARD na ang pinakamataas na pabuyang natanggap ay ang INFORMANT na pinangalanang PANTALAN na tumanggap ng P722,076.24 pabuya sa isang buy-bust operation noong August 15, 2020 sa isang warehouse sa BRGY. BAKILID, MANDAUE CITY na ikinakumpiska sa 12,003.7186 gramo ng shabu.

Yun nga lang.., bakit hanggang ngayon ay walang iniuulat na naarestong BIG FISH o BIG PERSONALITIES sa naturang operasyon? Alangan namang hinde “piniga” ng mga operatiba ang kanilang mga naaresto para sa mahahalagang impormasyon upang madiskubre kung sino-sinong mga personalidad at kung sino ang nagsisilbing protektor sa kinapapaloobang sindikato ng mga naaresto?

Mas hahangaan ng sambayanang galit sa illegal drugs kung ang ibabandera sa mga pagbabalita ay mga HIGH RANK PERSONALITIES ang naaaresto ng mga operatiba.., dahil ang simpleng sibilyan ay hinde makakapag-operate ng sindikato kung walang opisyal na magsisilbing protektor.

Ihalimbawa po natin.., yung naarestong pusher e itinuro na sa TSERMAN ang pinagkukuhanan niya ng shabu e hanggang kay TSERMAN na lang magtatapos ang operasyon? Kung si TSERMAN ang nagmamay-ari ng laboratoryo e maaaring siya na nga ang HEAD.., pero, sino-sinong mga LAW ENFORCER ang kakutsaba o abogado o JUDGE na kakutsaba ni TSERMAN at yan ay nasa listahan na ng mga operatiba dahil bahagi ng pag-aresto ang “interogasyon” para “ikanta” ang lahat ng koneksiyon at kakutsaba ng naaaresto.., yun nga lang ay puro pipitsuging pusher lang ang naipipresenta?

Malaking hamon ito sa LAW ENFORCERS natin sa pangunguna nina PNP CHIEF GENERAL GUILLERMO ELEAZAR, PDEA DIRECTOR GEN. WILKINS at NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION (NBI) Officer-In-Charge (OIC) DIRECTOR ERIC DISTOR na malalaking personalidad ang matarget at maaresto sa larangan ng kampanya laban sa DRUG SYNDICATE.., dahil hinde oobrang ordinaryong tambay o sibilyan lang ang makapag-ooperate ng illegal drugs!

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext sa 09085841303 para sa inyo pong mga panig.

The post Kung sinsero ang law enforcers; illegal drugs wala na dapat! appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Kung sinsero ang law enforcers; illegal drugs wala na dapat! Kung sinsero ang law enforcers; illegal drugs wala na dapat! Reviewed by misfitgympal on Hunyo 07, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.