GAANO kaya katotoo at malamang na wala rin katotohanan ang lahat ng mga isyu kung kaya’t ito’y lumalabas na isang tsismis pa lang.
Umpisahan na natin ang siyete o tsismis hinggil sa isyu sa dalawang miyembro ng gabinete na sinasabing malapit sa puso ni Pangulong Digong Duterte.
Ayon sa bulong-bulungan, ang dalawang gabineteng ito raw ay nasa likod at magka-sosyo sa negosyo nilang face shield na kung saan dominante nila ang kalakaran sa buong bansa.
Kopong-kopo at wala raw kompetensiya sa negosyo ang dalawang ito dahil bawal nga silang kalabanin at banggain dahil bukod sa mga koneksiyon ay talagang super-lakas ito sa administrasyon.
Makakailan ay may nasabing suhestiyon si Manila Mayor Isko Moreno na ang layunin ay huwag ng magsuot ng face shield tutal ay may face mask na namang suot bilang proteksiyon at pag-tupad sa health protocol.
Sinabi ni Yorme na bukod-tanging ang Pilipinas na lang ang bansang gumagamit pa rin ng face-shield gayong may suot na namang face mask.
Para na lang daw itong duplication, gastos sa mamamayan at pamparami lang ng basura dahil sa gawa ito sa plastic na alam nating sanhi ng pagbaha dahil sa hindi ito nabubulok at natu-tunaw.
May punto naman si Yorme kung kaya’t sinangguni daw agad ito sa IATF na agad din namang naglabas ng resolusyon na nagsasaad ng disapproval.
Obligado pa rin gumamit ng face shield ang publiko bukod sa face mask hanggang sa pagtatapos ng 2021 depende pa rin daw sa pag-aaral na ginagawa ng DOH.
Sinasabing ang dalawang gabineteng ito daw ang nasa likod at may dikta sa resolusyon ng IATF na nag-sasabing titingnan at pag-aaralan pa ng iba’t ibang ahensiya ng gobyerno ang di na paggamit ng face shield.
“What are we in power for” nga naman. Sayang nga naman ang opportunidad at pagkakataon kung bigla na lang mahihinto ang negosyong ito na tumatabo ng maraming pera sa merkado.
EBIDENSIYANG DROGA, TINATABASAN DAW NG ISANG OPERATIBA AT IMBESTIGADOR…
Totoo nga kayang may sabwatan ang isang operatiba at imbestigador hinggil sa mga kumpiskadong droga na sinasabing tinatabasan muna ng dalawa bago presinta sa piskalya.
Ayon sa nasagap nating balita, ang mga nahuli o kumpiskadong droga ay binabawasan muna ng dalawa ng higit sa kalahati. Plantsado na rin daw ang dokumento bago pa ito dumating sa korte bilang ebidensiya.
Hocus-pocus naman daw ang papel at scripted na ng imbestigador. Mahusay daw sa tipaan ng papeles at dokumento ang imbestigador na ito.
Ibang klase daw ang tandem ng mga ito na solo-solo lang kung magtrabaho. Mag-partner daw talaga dahil wala raw ibang nakaka-alam ng buong pangyayari kundi sila. ” It takes two to tango” di ba?
Mantakin niyong halimbawang nakahuli daw ito ng 100 gramong shabu ay wala pa daw 10, gramo ang pine-presintang ebidensiya sa husgado, eh saan kaya napupunta ang sobra? Ang tutulis niyo he he he
Ang dalawang ito daw ay naka-destino sa Station Anti-illegal Drugs (SAID) ng isang presinto na nasasakupan ng Manila Police District (MPD).
The post Totoo ba ang tsismis? appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: