Binatikos ng isang commuter group si dating QC Traffic management head Atty. Ariel Inton makaraang sabihin nitong taxi drivers dapat ang managot sa mga multa bilang paglabag sa batas trapiko at hindi ang mga mayayamang operators. Hindi umano sang-ayon sa batas ang panukala ni Inton sapagkat ang mga taxi drivers ay mga ahente lamang ng mga operators at ang mga operators ang siyang rehistradong nagmamay-ari ng mga taxi units.
Ayon kay Pat Mangubat, tagapagsalita ng transport at commuter group na PASADA, labag sa mga ordinansa ng lungsod maging ng batas sa public transport ang panukala ni Inton. Hindi na umano kataka-taka bakit sinipa ni Quezon City mayor Joy Belmonte si Inton bunga diumano ng limitado nitong kaalaman sa batas trapiko noong 2019.
“Kung nagbasa lamang ng ordinansa si Inton at hindi nagmadaling pumutak sa media para protektahan ang mga kaibigan niyang mga taxi operators, hindi sana mangyayari ito. Siguro naman pinag-aralan ni Inton ang batas sa transportasyon, bilang dating kasapi ng LTFRB at batid niyang kapagka pinagmaneho ng operator ang isang drayber ay nagiging ahente nya ito at anumang gawin nito sa panahong nagmamaneho siya ng sasakyan ay kargo ng operator. Basic yan sa law of agency,” sabi Mangubat.
Kung sa mga aksidente nga sa daan na ang drayber ang may pagkakasala, sinasagot ng mga taxi operator, gayundin kung lumabag sila sa batas trapiko. Dati rati, ayon kay Mangubat, naisasaayos ng mga operator ang multa sa pamamagitan ng iligal na paraan, wala silang lusot sa no contact apprehension program o NCAP dahil direkta sa local government units ang bayaran ng multa.
Gamit ang mga sopistikadong cameras, naiispatan ng NCAP ang mga lumalabag sa batas trapiko beinte kuwarto oras. Papadalhan ng notice of violation (NOV) ang may-ari ng sasakyang rehistrado sa Land Transportation Office o LTO. Sa NOV, malinaw na video grab ang lalabas patunay ng paglabag sa batas trapiko.
Gustong pahirapan ni Inton ang mga taxi drivers na apektado ngayon ng pandemya at prinoprotektahan nito ang mga taxi operators para makaligtas sa pagbabayad ng mga multa mula sa no contact apprehension program na ipinatutupad sa Maynila, Paranaque at Valenzuela. Ilan diumanong mga taxi operators ang nais takasan ang mga responsabilidad nila sa pagbabayad ng multa mula sa paglabag sa batas trapiko.
Dating konsehal si Inton na napahiya nang manakit ng isang pribadong motorista noong siya pa ay traffic czar ng lungsod ng Quezon. Ayon sa ilang mga taga QC, maaaring nagpapatunog lamang si Inton sa mga posibleng tumulong para makabalik siya sa pulitika. Sinipa siya ni QC mayor Belmonte nang matuklasang gumamit pala ng isang tow trucking services si Inton na nakabase sa Pasig city para hulihin diumano ang mga illegal parking sa Quezon City.
Payag si Mangubat na padalhan din ng notice of violation ang mga drayber at bahala na ang mga drayber at operator kung papaano nila babayaran ang mga multa. Pero, para sa kaayusan ng daloy ng trapiko, kailangan ng disiplina.
The post Taxi drivers apektado ng pandemya gustong pahirapan ng Ex-QC Traffic Czar? appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: