Facebook

Walang pagbabago sa protocols sa fully vaccinated

MANANATILI parin ang ipinatutupad na quarantine protocols para sa mga pauwing Pinoy na fully vaccinated na mula sa kanilang bansang pinanggalingan.

Giit ni Presidential Spokesperson Harry Roque, wala pang kasunduan ang buong daigdig para maberipika kung totoo ang mga ipiprisintang vaccination cards.

Ani Roque, mahalagang magkaroon ng iisang kasunduan o polisiya ang mga bansa para magkaroon ng standard vaccination verification upang matukoy kung totoo o peke ang vaccination card.

Gayunman, tiniyak ni Roque na pinag-aaralan na rin ng pamahalaan kung papaano ang magiging proseso sa pagpapasok sa bansa ng mga biyaherong fully vaccinated na.

The post Walang pagbabago sa protocols sa fully vaccinated appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Walang pagbabago sa protocols sa fully vaccinated Walang pagbabago sa protocols sa fully vaccinated Reviewed by misfitgympal on Hunyo 07, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.