Ako po si SPO1 Harold U. Dalmacio taga Brgy. Kilong Olao Boliney, Abra.
Ako po ay pumasok sa PNP-SAF noong Dec, 11 1997.
Pagkatapos ng PSBRC sa Canlubbang, Laguna, bumalik po kami sa mother unit at nag under go ng Foundation Course at ako po ay nag training sa Fort Magsaysay, Palayan City ng “SFOC 97” noong 1999.
At sa awa ng Diyos , ako po ay nakapagtapos bilang isang weapon specialist.
Pagkatapos ng Foundation Course ay na-assigned kami sa Compostella Province “Mt. Diwalwal” bilang peacemaker sa mining company habang kami’y assigned doon, halos gabi gabi ang responde namin sa mga patayan na nagaganap doon.
Marami po kaming magagandang accomplishnents doon.
Pagkatapos ng 6 na buwan tour of duty doon, kami po ay pinabalik ng aming Battalion Commander sa aming base at nag schooling ng “UCRWC” class 41-2000.
Natapos ko ang course bilang “strong man” at pagkatapos ng schooling ay nalipat ako sa “PAOCTF” at doon po ako nahasa ng husto bilang isang SAF TROOPER.
Kinalaunan nangailangan ang “I.G”sa Camp Crame ng operative troops para sa Special Operation at kami po ay na deploy sa “I. G” bilang operatives. Pagkatapos ng mission namin sa I. G na promote po ako one rank higher ako at ay naging PO3 at binalik kami sa “PACER” habang kami ay nakadeploy doon,may international training na Conducted by france “COAT” CENTER OPERATIONELL ANTI TERORISTE.
On 2002,pasalamat sa Diyos at natapos ko ang schooling bilang isang “TARZAN” pagkatapos ng schooling na iyon, bumoo ang SAF ng elite of the elite group at tinawag na “CRG” CRISIS RESPONSIVE GROUP na consolidate ang Coat ng “FRANCE”, “YAMAM”, ng ISRAEL at “UCRWC” ng SAF.
Napabilang po ako sa grupong ito ng mga personels na matitikas.
Marami pong accomplishments ang “CRG” sa ating bansa “LUZVIMINDA” habang walang OPN, nag open ang “SAF-BAC-42” At ako po ay nakasali sa training ng airborne to complete my requirements to operate on air, water, and land.
Natapos ko muli ang SAF-BAC-42 bilang strong man at ako’y nag pasalamat sa Diyos kasi binigyan niya ako ng lakas para ma-maintain ang aking kalakasan.
Ako po ay isang athlete ng SAF at kada taon po ay may ginaganap na paligsahan sa hanay ng mga kapulisan sa Camp Crame Quezon City at ako ay nag-ambag ng mga medalyang ginto para sa aking unit na SAF.
Ako po bilang isang “TOROGI” ay binansagan nila bilang taong barracks.
Kasi di po kami nakaka- uwi sa pamilya namin tuwing weekend pass.
Inialay ko po ang aking buong buhay sa paglilingkod sa ating Inang Bayan “PILIPINAS” at sa isang iglap lang dumating ang isang delubyob sa aking buhay at ako’y “WIA” (Wounded In Action ) sa isang encounter sa isang robbery group, at iyon po ang sanhi ng aking pagkabaldado kasi natamaan ang aking “L3-L4” at naglahong parang bula ang aking kalakasan.
Buong puso ko pong tinanggap ang aking kapalaran bilang isang “SAF TROOPER”!
Mabuhay ang mga living heroes ng kapulisan.
Ang hindi ko lang matanggap ay ang putulin ang aking NAPOLCOM pension, na walang basehan na di man lang in-amend ang R. A 8551.
Pinutol ang aking pension mula January 2020 up to present kaya po kami ay nag susumamo sa inyo “DBM” na ibigay na po ang aming pension.
Wala na po kaming makain, walang pambili ng gamot, pampers at catheter.
maawa na po kayo sa kalagayan namin, Sir SEC.WENDELL AVISADO!
Wala na po kaming Ibang maaasahan na pagkunan ng budget para sa pang – araw araw naming kailangan.
Parang gamit na lang kami na pagkatapos gamitin ay wala ng silbi at itatapon nalang sa basurahan.
Sa mga nakakataas na makabasa sa aming hinaing, sana kaawaan n’yo kami.
Ibigay na po ang aming NAPOLCOM pension!
Yan lang po ang kinakapitan naming pantawid buhay habang kami ay nakaratay sa aming higaan.
Salamat po at ang Diyos nawa ang gumabay sa ating lahat.
***
PARA SA INYONG KOMENTO,REAKSYON AT SUHESTIYON,MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP NO.0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com
The post KUWENTONG PULIS appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: