NGAYONG nalalapit na ang panahon ng eleksiyon sa bansa, marami na ang nagtatanong at interesadong malaman kung ano ang magiging plano ni Manila Mayor Isko Moreno.
Tiniyak ni Don Ramon Bagatsing na kung ano man ang maging desisyon ni Yorme para sa posisyong kanyang tatakuhan sa 2020 national and local elections, ay “all out” ang magiging suporta sa kanya ng mga taga-Maynila.
Kumpiyansa si Bagatsing na anuman ang takbuhang posisyon ni Moreno sa eleksiyon ay magiging mabuti itong public servant at magseserbisyo ito ng buo at tapat para sa ikabubuti ng mga mamamayan.
“Maraming options si Yorme. He is in a good spot. Dalawang taon na siyang walang tulog, nakita naming mga Manilenyo ang laban niya kontra Covid. Where he intends to go, Manila will follow,” ayon pa kay Bagatsing.
“Maraming natutuwang Manilenyo ngayon sapagkat maski na nasa gitna ng pandemya ang lungsod, tuluy-tuloy pa din ang pagbibigay ng serbisyo at lahat ng naglilingkod ay nagkakaisa,” dagdag pa ni Bagatsing.
Matatandaang maugong ngayon ang balitang hindi na tatapusin ni Moreno ang kanyang tatlong termino bilang alkalde ng Maynila at papalaot ito sa national position o sa presidential race.
Isa rin ang alkalde sa mga posibleng presidential bets na sinasabing pinagpipilian ni Pangulong Rodrigo Duterte upang suportahan para sa nalalapit na halalan.
The post “Where Isko goes, Manila will follow” — Don Bagatsing appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: