Facebook

Manila Restaurant Week, Magbabalik – Isko

MAGBABALIK ngayong weekend ang ikalawang taon ng Manila Restaurant Week (MRW).

Ito ang inanunsyo ni Manila Mayor Isko Moreno na nagsabing ang pagtitipon ay bilang bahagi ng selebrasyon ng ika-450 taong anibersaryo ng pagkakatatag ng Maynila sa June 24.

Ayon kay Moreno, base sa plano na iprinisinta ng hepe ng Bureau of Permits na si Levi Facundo, magbabalik ang MRW ngayong sa tinatawag na ‘Frozen Weekends’ mula June 20 hanggang July 4, 2021.

Ayon pa sa alkalde, ang mga restaurant ay maaaring sumali ng libre at kailangan lang nilang magpadala ng letter of intent at contact information sa pamamagitan ng email sa permits@manila.gov.ph.

Hinimok ni Moreno ang publiko na suportahan at tangkilikin ang mga restaurant sa Maynila upang makatulong sa pagsigla ng ekonomiya.

Sa bahagi naman ni Facundo, sinabi niya na: “joining this gastronomical event is absolutely free! Get first dibs on exclusive MRW deals and discounts from your favorite participating restaurants by following our Facebook official page @manilarestaurantweek for news and updates.”

Ayon pa kay Facundo, ang offer na frozen products ay gagawin lamang tuwing weekends, pero maaari din namang gumawa ng sarili nilang gimmick ang mga lalahok na restaurant sa loob ng dalawang linggong event.

“Manila Restaurant Week Frozen Weekends means that besides the dining discounts the restaurants are offering from June 20 to July 4, there are great offers as well for frozen products like yogurt, ice cream and even frozen foods in supermarkets on weekends during the said two weeks,” dagdag ni Facundo.

Sinabi pa ni Facundo na may dagdag na diskwento sa June 24 sa mismong araw ng selebrasyon ng ‘Araw ng Maynila’ para sa mga frozen products tulad ng ice cream, yogurt at frozen margaritas at iba pa kapag weekends.

Maari ding magbigay ang mga restaurant ng libreng frozen desserts bilang bahagi ng MRW sa weekends (June 20, 25 hanggang 27 at mula July 2 hanggang 4), ayon pa kay Facundo.

Ang mga interesado ay maaring magpasa ng kumpletong application form at i-email na may contact information kasama ng kanilang plano, larawan ng mga nakakaengganyong pagkain at company logo.

“They have to say something about their food or history of restaurant. Awards if any or if they have a known chef will be included as well. It will show in their profile once you click on their restaurant,” ayon pa kay Facundo.

Ang unang MRW ay inilunsad noong September ng nakaraang taon, kung saan mahigit 80 restaurant ang lumahok. Ito ay resulta ng kampanyang ‘Manila Support Local’ na layuning hikayatin ang publiko na suportahan ang lahat ng Manila-based establishments sa tuwing sila ay kakain at mamimili ng kanilang mga pangangailangan. (ANDI GARCIA)

The post Manila Restaurant Week, Magbabalik – Isko appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Manila Restaurant Week, Magbabalik – Isko Manila Restaurant Week, Magbabalik – Isko Reviewed by misfitgympal on Hunyo 12, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.