Facebook

Kuya sinita si bunso sa ‘di pagpahiram ng bisikleta, kinatay

PATAY ang isang magsasaka nang saksakin ng kapatid sa bayan ng Quezon, Isabela, Martes ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Benjamin Egar, 38 anyos; habang ang salarin ang nakababatang kapatid na si Robert Jake, 18; kapwa residente ng Barangay Minagbag.

Sa ulat, kinompronta ng kuya ang kapatid tungkol sa hindi nito pagpapahiram ng bisikleta.

Humantong sila sa mainit na pagtatalo hanggang sa saksakin ng bata ang kuya.

Sinubukan mamagitan ng kapatid nilang babae na humingi pa ng tulong sa mga kapitbahay, pero hindi parin naawat sa pananaksak si Robert.

Sa report, parehong nakainom ng alak ang magkapatid nang mangyari ang insidente. Hindi rin umano ito ang unang beses na nagkaroon sila ng mga pagtatalo.

Nasampahan na rin ng reklamong Homicide si Robert.

The post Kuya sinita si bunso sa ‘di pagpahiram ng bisikleta, kinatay appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Kuya sinita si bunso sa ‘di pagpahiram ng bisikleta, kinatay Kuya sinita si bunso sa ‘di pagpahiram ng bisikleta, kinatay Reviewed by misfitgympal on Hunyo 10, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.