Facebook

LA na Lakers!

KUNG anong palad nila noong isang taon ay siya naman malas nila ngayong season.

Nang makopo ng Lakers ang kanilang ika-17 na titulo sa Disney bubble ay kakaunti ang naging injury nila.

Pero nitong 2021 ay sa mga pangunahing tauhan pa nila nangyari ang mga pagkapilay. 36 na game hindi nakalaro si Anthony Davis (calf, heel at groin) at 27 naman si LeBron James (high ankle sprain). Bukod sa kanila may mga ininda ring sakit sina Marc Gasol, Kentavious Caldwell-Pope, Alex Caruso at Kyle Kuzma. Sina Gasol at Dennis Schroder naman sumailalim sa health protocol.

Pero ganyan talaga sa liga at hindi dapat gawing excuse ang mga ganitong sitwasyon. Kailangan handa ang grupo sa anumang problema. Saka hindi naman siguro sa unang round ng playoff ay mawawala na sila agad. Paborito pa naman sila magback-2-back nang magsimula muli ang NBA noong Disyembre..

Need ng team nitong off-season ng masusing pag-aaral ng kanilang line-up. Kailangan nilang sagutin ang maraming katanungan. Pababa na ba ng kalakasan ni LBJ? Paano ba mapanatiling healthy si AD?

Ano pa ba kulang nila lalo na sa posisyon ng sentro. Pinakawalan nila dati sina JaVale McGee at Dwight Howard. Tapos pinapasok sina Gasol, Montrez Harrell at dinagdag pa si Andre Drummond. Crucial din ang pwesto ng point guard na numero uno nilang option ay si Schoder pero unrestricted free agent na ito.

Komo hindi kinagat ng German ang extension na alok kaya tiyak maiiba nq tingin nina Jeannie Buss at Rob Pelinka sa kanyang kaso.

Isa pang nasa agenda ay ang mga future nina Caruso at Talen Horton-Tucker sa prangkisa. Bagama’t RFA ang dalawa ay maraming magiging interesado sa kanilang serbisyo at baka magkaroon ng bidding war.

Mataas ang expectation kasi bilang defending champion nguni’t dahil bigo sila na mapanatili sa Los Angeles ang korona ay higit na tumaas ang pressure sa organisasyon.

Nakaabang ang buong liga at ang Laker Nation sa sususnod na mga magaganap.

***

Abangan si dating world champ Rolando Bohol sa Boomer’s Banquet isang Sabado ng Hunyo. Dati nakapanayam natin siya ng solo sa OKS@DWBL. Sa vlogcast na BB kung saan kasama natin ang mga DJ na sina Bob Novales at George Boone ay magkakaroon pa ng ibang personalidad sa boksing na ating makakadiskusyon.

***

Kaya na ba ng PBA na magbukas sa Hulyo? Tinatarget ang Ynares Arena sa Antipolo o ang Cuneta Astrodome sa Pasay bilang mga venue, Tama lang na maliliit ang coliseum na paglalaruan dahil hindi pa naman papayagan ang audience sa mga laban.

Nakakapagensayo na sa Ilocos at sa Batangas ang mga koponan nguni’t wala pang malinaw na pahayag ang opisina ni Commissioner Willie Marcial kung kailan talaga. Hantayin na lamang daw ang kanilang anunsyo.

The post LA na Lakers! appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
LA na Lakers! LA na Lakers! Reviewed by misfitgympal on Hunyo 07, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.