Facebook

ABOGADO KULONG HABAMBUHAY SA PAGPATAY SA MISIS!

ISANG abogado ang hina-tulan ng korte na makulong ng 40 taon dahil sa pagpaslang sa kanyang misis noong 2002.

‘Guilty’ ang naging desi-syon ng Manila Regional Trial Court Branch 21 laban kay Atty. John Fabico sa kasong ‘Parricide’.

Sa desisyon, ‘reclusion perpetua’ o aabot sa 40 taon pagkakabilanggo ang parusa kay Fabico, dating nagtrabaho sa Philippine National Oil Company at Energy Development Corporation, nang patayin nito ang kanyang maybahay na si Edith Ocampo noong Dec. 23, 2002 sa loob ng kanilang bahay sa Tondo, Manila.

Nagtamo si Ocampo ng dalawang tama ng bala sa kanyang dibdib.

Naging testigo sa krimen ang kanilang kasambahay na nagsabi na may dugo ang damit ni Fabico matapos siyang makarinig ng putok ng baril sa kuwarto ng mag-asawa.

Magbabayad din ng P300,00 danyos si Fabico sa pamilya ni Ocampo, na may interes na 6 percent kada taon.

Iniutos din ng korte ang pag-lipat kay Fabico sa National Bilibid Prison sa Muntinlupa City mula sa Manila City Jail.

The post ABOGADO KULONG HABAMBUHAY SA PAGPATAY SA MISIS! appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
ABOGADO KULONG HABAMBUHAY SA PAGPATAY SA MISIS! ABOGADO KULONG HABAMBUHAY SA PAGPATAY SA MISIS! Reviewed by misfitgympal on Hunyo 07, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.