Facebook

Covid update: 6,539 bagong kaso; 6,969 gumaling; 71 nasawi

NAKAPAGTALA pa ng 6,539 na karagdagang kaso ng COVID-19 ang Department of Health (DOH) nitong Lunes, Hunyo 8.

Samantala ay mayroon namang naitalang 6,969 na gumaling at 71 na pumanaw.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 4.6% (58,854) ang aktibong kaso, 93.7% (1,195,181) na ang gumaling, at 1.72% (21,969) ang namatay.

Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong June 5, 2021 habang mayroong 7 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).

Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 7 labs na ito ay humigit kumulang 3.1% sa lahat ng samples na naitest at 5.4% sa lahat ng positibong mga indibidwal. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)

The post Covid update: 6,539 bagong kaso; 6,969 gumaling; 71 nasawi appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Covid update: 6,539 bagong kaso; 6,969 gumaling; 71 nasawi Covid update: 6,539 bagong kaso; 6,969 gumaling; 71 nasawi Reviewed by misfitgympal on Hunyo 07, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.