Facebook

Pagbibigay ng insentibo sa mga fully vaccinated vs COVID-19 itinutulak

IKINOKONSIDERA ng gobyerno ang pagbibigay ng insentibo sa mga indibidwal na fully vaccinated na kontra COVID-19.

Ayon kay Trade Secretary Ramon Lopez, ikinukunsidera ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ang pagkakaloob ng insentibo para makapanghikayat sa publiko na magpabakuna na.

Kabilang sa mga nakikita niyang posibleng ibigay na insentibo sa mga nabakunahan na ay ang pagpayag sa mga 65-anyos pataas na makalabas na ng kanilang bahay.

Kasama rin dito ang mas maikli na quarantine period sa mga babiyahe kapag sila ay nakakuha ng negative result sa RT-PCR test.

Una rito, pinaikli na sa pitong araw ang quarantine period mula sa dating 14 days ng mga fully vaccinated na inbound travelers.

The post Pagbibigay ng insentibo sa mga fully vaccinated vs COVID-19 itinutulak appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Pagbibigay ng insentibo sa mga fully vaccinated vs COVID-19 itinutulak Pagbibigay ng insentibo sa mga fully vaccinated vs COVID-19 itinutulak Reviewed by misfitgympal on Hunyo 07, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.