Facebook

80 percent ng NPA ay mga katutubo na

WALUMPONG porsiyento ng armadong grupo ng Communist Party of the Philippines (CPP) na New People’s Army (NPA) sa ngayon ay binubuo na ng Indigenous People (IPs) o mga katutubo, na pwersahang dinudukot at sapilitang ginagamit bilang mga mandirigma ng Communist Terrorist Group (CTG).

Ito ang inilahad sa lingguhang ‘virtual’ na press briefing ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) ni Gaye Florendo, assistant spokesperson ng task force sa IP Concerns na nagsabi ang dami ng NPA na IPs ay base narin sa bilang ng mga nagsisuko na mga CTG sa pamahalaan.

Sinabi ni Florendo na ito rin ang naging dahilan upang balikan at suriin muli ang Executive Order 82 at mga paraan ng pamahalaan upang tapusin na ang mga CTG sa pamamagitan ng ‘Whole of Nation approach’ o sama-samang pagtulong upang puksain ang komunistang-teroristang samahan ng CPP-NPA-NDF.

Mayroon din daw “pattern of radicalization and confinement” upang mapilitan ang mga IPs na maging CTG..

Si Datu Bawan Jake Lanes, isang dating kadre ng CPP-NPA-NDF, na ngayon ay Excutive Director ng Mindanao IP Council of Elders (MIPCEL) ay inilahad naman kung paano nagagawa ng CTG ang panglilinlang sa mga komunidad ng mga IP at paano nila nagagawa ang mga ito bilang mga CTG.

Ang sabi ni Lanes, inaalam muna ng mga CTG kung ano ang mga hinaharap na problema ng mga katutubo lalo na kung ito ay suliranin sa kanilang mga lupang tinitirahan. Papasukin ito at makikipag-kaibigan ang mga CPP-NPA-NDF sa mga lider o nakatatandang IPs at iaalok ang kanilang tulong bilang isang kaibigan.

Dagdag pa nito kapag tumanggi ang mga lider ng IPs, kamatayan lamang ang kapalit nito at sasakupin ang buong kumunidad sa pamamagitan ng dahas at pananakot bago ioorganisa ang lahat ng kasapi ng tribu. Ang mga lalaki ay gagagawing kasapi ng Militia ng Bayan, ang mga kabataan ay pag-aaralin at sasanayin na mga mandirigma laban sa pamahalaan at ang mga kababaihan naman ay tuturuan kung paano sumuporta sa armadong pakikibaka.

At kapag napagsamantalahan na ang buong tribu, ang ilan sa kanila ay dadalhin na sa kamaynilaan gamit ang paraan na Manilakbayan o taunang paglalakbay upang itanim na ang kanilang mga panglaban sa pamahalaan sa Metro Manila.

Inihalimbawa ni Lanes ang nangyari sa mga mag-aaral na mga IP na nailigtas sa kamay ng mga CTG sa loob ng San Carlos Univesrsity sa Cebu City at naaresto ang pitong indibidwal na nagbabantay sa 19 na mag-aaral.

The post 80 percent ng NPA ay mga katutubo na appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
80 percent ng NPA ay mga katutubo na 80 percent ng NPA ay mga katutubo na Reviewed by misfitgympal on Hunyo 07, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.