Facebook

Police trainee ‘nag-suicide’ gamit ang baril ng field officer

ISANG Police trainee ang umano’y nagpakamatay gamit ang baril ng kanilang field officer sa Rosario, Cavite.

Ang biktima ay nakilalang si Justine Orpilla Buendia ng Alcala, Cagayan.

Sa report ng Rosario Municipal Police Station, nag-suicide ang biktima sa pamamagitan ng pagbaril sa sarili gamit ang baril ng kanilang field training officer na si Chief Master Seargent Erwin Yazar ng PNP Maritime Group.

Iniimbestigahan narin si Yazar kung bakit ang baril nito ang ginamit sa pagpapakamatay ng isa nilang Police trainee.

Sa report, Linggo ng umaga habang nagsasagawa ng Calisthenics ang mga police trainee ay nakarinig ng putok ng baril sa rooftop ng kanilang boarding house sa Bgy. Tejeros Convention, Rosario.

Nang kanilang tingnan, nakahandusay na ang biktima at may tama ng bala sa kaniyang ulo. Isinugod pa ito sa Divine Grace Hospital pero idineklarang dead on arrival.

Sa inisyal na imbetigasyon, binaklas ng biktima ang door knob ng kanilang mga field training officer kaya nakuha ang baril na ginamit sa kaniyang pagpapakamatay.

Bago ang pangyayari, ilang araw nang naoobserbahan na balisa ang biktimang si Justine dahil sa kaniyang depression.

The post Police trainee ‘nag-suicide’ gamit ang baril ng field officer appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Police trainee ‘nag-suicide’ gamit ang baril ng field officer Police trainee ‘nag-suicide’ gamit ang baril ng field officer Reviewed by misfitgympal on Hunyo 07, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.