Facebook

LASING NA PULIS BINARIL SA LEEG ANG GINANG NA KAPITBAHAY!

ARESTADO ang isang pulis nang ma-hulicam ang pagbaril sa isang ginang na kanyang kapitbahay sa Sitio Ruby, Barangay Greater Fairview, Quezon City, Lunes ng gabi.

Kinilala ang inaresto na si Police Master Sergeant Hensie Zinampan, naka-assign sa Police Security and Protection Group (PSPG).

Ang biktima ay kinilalang si Lilibeth Valdez, 52 anyos.

Sa ulat, 9:00 ng gabi nang bumili ng sigarilyo sa isang tindahan si Zinampan at papunta rin sana sa tindahan ang ginang na agad bumalik nang makitang makakasalubong ang pulis.

Ang pangyayaring ito ay nakuha-nan ng video ng isang netizen.

Kita sa video na sinundan ng pulis ang ginang habang kinuha ang baril sa loob ng kanyang bag, itinago sa likod ang kamay na may hawak na baril at kinokompronta ang ginang, hinawakan sa buhok, sinabing “pareho tayong lasing di?”. Nagmakaawa ang ginang, pero bigla itong pinutukan sa leeg. Patay agad ang ginang.

Ginawa ito ng pulis sa harap mismo ng anak ng ginang.

Agad naglakad palayo si Zinampan nang bumulagta ang ginang.

Ayon kay Beverly Luceño, anak ng biktima, dati nang may alitan ang pulis at ang kanyang kuya. Nagkasuntukan dahil parehong lasing.

Inaresto ng Fairview Police si Zinampan at nakuha sa kanya ang baril na ginamit sa krimen.
Todo tanggi si Zinampan kahit may video.

Dinala na si Zinampan sa Camp Karingal.

Samantala, sinabi ni PNP Chief, General Guillermo Eleazar, na hindi katanggap-tanggap ang pangyayari dahil pulis ang dapat magprotekta sa taumbayan.

Inutusan ni Eleazar ang Quezon City Police District na agad maghain ng administrative charges laban kay Zinampan para maialis na ito sa serbisyo.(Mark Obleada)

The post LASING NA PULIS BINARIL SA LEEG ANG GINANG NA KAPITBAHAY! appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
LASING NA PULIS BINARIL SA LEEG ANG GINANG NA KAPITBAHAY! LASING NA PULIS BINARIL SA LEEG ANG GINANG NA KAPITBAHAY! Reviewed by misfitgympal on Hunyo 01, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.