Facebook

Lottery teller, patay sa pananaga ng menor de edad

Patay sa pananaga ang teller ng isang small town lottery (STL) outlet sa Malalag, Davao del Sur, Biyernes ng madaling araw.

Kinilala ang biktima na si Antonio Relatado Torreon, 27, na nagtatatrabaho sa STL sa Purok 6, Barangay New Baclayon.

Ayon sa ulat, natutulog sa loob ng kaniyang bahay si Torreon nang pasukin ng isang lalaki at biglang pinagtataga gamit ang isang karit.

Sa manhunt operation ng Malalag PNP, natunton ang responsable sa krimen na si “Kentoy”, 16-anyos.

Sa report, naiwan ang tsinelas at jogger pants ng salarin sa labas ng bahay ng biktima.

Naisugod ang biktima sa Davao del Sur Provincial Hospital sa Digos City pero pumanaw ito dahil sa tindi ng mga sugat sa katawan.

Dinala sa Women and Children’s Desk ng Malalag PNP ang menor de edad.

The post Lottery teller, patay sa pananaga ng menor de edad appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Lottery teller, patay sa pananaga ng menor de edad Lottery teller, patay sa pananaga ng menor de edad Reviewed by misfitgympal on Hunyo 18, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.