
NAKAPAGTALA ang Department of Health (DOH) ng 6,833 na karagdagang kaso ng COVID-19 nitong Biyernes, Hunyo 18.
Samantala ay mayroon namang naitalang 3,441 na gumaling at 110 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 4.6% (61,776) ang aktibong kaso, 93.7% (1,261,115) na ang gumaling, at 1.74% (23,385) ang namatay.
Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong June 16, 2021 habang mayroong 5 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).
Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 5 labs na ito ay humigit kumulang 2.6% sa lahat ng samples na naitest at 4.4% sa lahat ng positibong mga indibidwal. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)
The post Covid update: 6,833 bagong kaso; 3,441 gumaling; 110 nasawi appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: