Facebook

Higit 700 healthcare workers kailangan para sa M. Manila

AABOT sa mahigit 700 ang bakanteng trabaho para sa mga healthcare workers sa Metro Manila, ayon kay Health Undersecretary at treatment czar Leopoldo Vega.

Sinabi ni Vega, nasa 3,500 trabaho ang binuksan kamakailan sa Metro Manila, pero mayroon pa rin aniyang 22 percent na bakante.

Yung kinakailangan aniya nilang healthcare workers ay para sa mga pampubliko at pribadong ospital, pati na rin sa mga testing centers at isolation facilities sa Metro Manila.

Ang matatanggap na sahod ng mga makukuhang healthcare workers ay salig sa salary standardization sa posisyon na kanilang hahawakan.

Samantala, sinabi naman ni Vega na ang healthcare utilization rate ngayon sa Metro Manila ay nasa low risk na dahil nasa 48 percent na lamang ito sa ngayon, ganon din sa ICU occupancy rate na nasa 51 percent.

The post Higit 700 healthcare workers kailangan para sa M. Manila appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Higit 700 healthcare workers kailangan para sa M. Manila Higit 700 healthcare workers kailangan para sa M. Manila Reviewed by misfitgympal on Hunyo 18, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.