Facebook

4 MINASAKER SA ZAMBO

LABAS ang utak at tadtad ng bala sa iba’t ibang parte ng katawan ang apat katao nang pagbabarilin sa may Bactus, Tugbungan, Zamboanga City, Huwebes ng gabi.

Kinilala ang mga biktima na sina Alih Ibno, Fatima Raddaie, Rana Raddaie, at ang batang si Aliyanna Ibno, pawang residente ng Villa Teressa, Mampang ng naturang syudad .

Sa report, nangyari ang karumal-dumal na pagpaslang 6:40 ng gabi.

Nabatid na lulan ang mga biktima ng kulay blue Honda Click (842 JEH) at binabagtas ang hindi sementadong kalsada nang tambangan ng 4 na salarin sakay ng dalawang motorsiklo.

Sa itsura ng mga bangkay, hinala ng mga imbestigador ay nilapitan pa ang mga biktima at binaril isa-isa sa ulo.

Narekober ang 16 basyo ng bala ng 9mm caliber, 6 basyo ng M16, at mga tingga ng nala ng mga nasa-bing baril.

Inaalam pa ang motibo sa krimen. (Mark Obleada)

The post 4 MINASAKER SA ZAMBO appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
4 MINASAKER SA ZAMBO 4 MINASAKER SA ZAMBO Reviewed by misfitgympal on Hunyo 18, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.