Corruption is a cancer: a cancer that eats away at a citizen’s faith in democracy, diminishes the instinct for innovation and creativity; already-tight national budgets, crowding out important national investments. It wastes the talent of entire generations. It scares away investments and jobs. — 46th US president Joseph Robinette Biden
PASAKALYE:
Text message . . .
Sir, gandang umaga po. Sana po matulungan mo kaming kapwa n’yong retired PNP po. Kami po ay nagretiro po sa murang edad, karamihan po sa amin. Nag-retire po kami dahil sa kapansanan—tinamaan ng bala, nasabugan ng bomba at nakikipaglaban po kami sa mga NPA na terrorista. Karamihan po sa amin putol ang kamay, paa at bulag ang isang mata. Nagretiro po kami dahil sa kapansanan. kami po ay mga retired na TPPD (total permanent physical disability). Pinutol po ang aming pension sa NaPolCom ng DBM. Two years na po kami at hindi one year na walang pension mula sa NaPolCom. Sana po matulungan n’yo po kaming mga retired TPPD. Nagbuwis po kami ng aming buhay sa bayan kaya bakit pinutulan po kami ng pension? Putol na nga ang aming paa, pinutol pa ang aming pension. Sir, sana po matulungan mo kami. — Abner Afuang (09179148308, 10:11, May 27, 2021)
REAKSYON:
Retired na kayo kaya pinagretiro na rin ang pera n’yo . . . Kaya nga sila ayaw magretiro sa kanilang puwesto . . . ‘di ba nga parunggit ni Ka PERCY: Kailan nga ba raw sila magnanakaw, siyempre habang nakapuwesto pa sila! Kaya kayong mga nagretiro na—wala nang pakinabang sa inyo ang gobyerno!
Tsk tsk tsk . . .
Text message . . .
DoH: 497K na dose ng AstraZeneca vaccine na malapit ng mag expire, hindi pa naituturok. Hahahaha. Baka ‘yan racket ni baklang DUQWE ng DoH na ilegal na binebenta na. PI na gobyernong ito, lahat pinagkakakitaan sa panahon ng pandemya at kurakutan. Magugunaw na lang ang bansa, kuwarta pa rin ang nasa mga utak ng mga hayop na ito. E kulang-na-kulang pa nga tayo sa bakuna tapos mag-expire lang—sino ang tarantado dito? Sino pa kundi si DoH baklang DUQWE at mga alagad niya. Matakot kayo sa Diyos kung may pagkilala pa kayo sa Kanya. Mga demonyo talaga kayo mga Hudas. Wala talaga kayong magandang hangarin sa bansa at mamamayan. Puro pansarili lang ninyo ang mahalaga. Kayo ang pasaway, mapaglabag sa panahon ng pandemya. Mga PIN! Sobra na ang kawalanghiyaan ninyo! Ang babantot, ang babaho ninyo—amoy patay na hayop. Juan po. — Juan ng Tondo (09094818…, 10:05, May 27, 2021)
REAKSYON:
Like I always say, ano nga ba ang aasahan n’yo sa mga taong nakapuwesto sa pamahalaan na ang tanging hanap lang naman ay magkaroon sila ng kapangyarihan at magawa nila ang kanilang gusto?
Kung mayroon mang nagbibigay ng serbisyo sa publiko, sila’y nagnanakaw din naman e kaya tanging maaasahan lang natin ay ang Diyos. Maka-karma din ang mga ‘yan . . .
Tsk tsk tsk . . .
* * *
PARA sa inyong komento o suhestyon, reklamo o kahilingan, magpadala lamang ng mensahe o impormasyon sa aking email na filespolice@yahoo.com.ph o dili kaya’y i-text n’yo na lang ako sa aking cellphone numbers na 09054292382 para sa Globe at 09391252568 para sa Smart. Salamat po!
The post Magnakaw habang nakapuwesto appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: