Facebook

Marshal at motorista nagsuntukan sa kalsada

KAPWA magdedemanda sa isa’t isa ang traffic marshall at motorista na nagsuntukan sa gitna ng kalsada dahil lang sa away sa batas trapiko.

Kinilala ang traffic marshall na si Waren Aballa ng Barangay Apas, Cebu; at ang motorista ay si Florito Sipalay ng San Remegio, Cebu.

Sa ulat, naganap ang palitan ng suntok sa harap ng IT Business Park sa Salinas Drive, Cebu City.

Naging viral o usap-usapan sa social media ang suntukan ng dalawa kungsaan suot pa ang kani-kanilang helmet, matapos i-post ang video na kuha ng isang concerned citizen habang naka-stop pa ang traffic signal.

Dalawang iba pang motorista at traffic enforcers ang umawat sa insidente.

Kaagad din nagpa-blotter ang dalawa sa Mabolo Police Station.

Ayon kay Police Staff Sergeant Roy Bacus, inisyuhan ng ticket citation ni Aballa si Sipalay dahil sa “obstruction” sa trapiko.

Subalit iginiit ni Sipalay na hinabol ito ng nasabing traffic marshall, bagay na inalmahan ni Abala dahil walang rason para manghabol kung tapos na ang pag-isyu sa ticket.

Samantala, binalaan ng mga otoridad ang publiko at mga motorista na maging kalmado at ‘wag pairalin ang init ng ulo sa pagmamaneho.

The post Marshal at motorista nagsuntukan sa kalsada appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Marshal at motorista nagsuntukan sa kalsada Marshal at motorista nagsuntukan sa kalsada Reviewed by misfitgympal on Hunyo 24, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.