Facebook

21 pulis sa Calbayog mayor slay swak sa kasong administratibo

NAIHAIN na ang mga kasong administratibo laban sa 21 pulis na sangkot sa pagpatay kay Calbayog City Mayor Ronaldo Aquino noong Marso.

Sinabi ni Philippine National Police – Internal Affairs Service (PNP-IAS) Inspector General Alfegar Triambulo na matatapos nila ang pagdinig sa mga kaso sa loob ng 20 araw.

Nahaharap sa ‘grave misconduct’ at ‘grave irregularity in the performance of duty’ ang walong pulis kabilang na ang mga tauhan ng PNP – Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG) Visayas dahil sa pagpaplano sa pag-atake.

‘Grave irregularity in the performance of duty’ naman ang inihain laban sa 11 pulis sa Regional Drug Enforcement Unit dahil sa hindi pagsunod sa procedures ng PNP sa mga operasyon.

Dahil naman sa ‘command responsibility’, naihain ang administratibong kaso na ‘less grave irregularity in the performance of duty’ laban kina IMEG Visayas director Colonel Michael David at PRO8 Intelligence Division director Lt. Colonel Neil Montaño.

Noong June 9 ay sinabi ng witness na si Police Master Sergeant Jose Jay Senario na lumapit si Raymundo Uy, karibal sa pulitika ni Aquino, para isilbi ang search warrant laban sa alkalde dahil umano sa pagkakasangkot nito sa iligal na droga.

Matatandaan na napatay si Aquino at ang tatlo nitong kasamahan sa loob isang van March 8, 2021 nang paulanan ng bala ang kanilang sasakyan sa Laboyao Bridge sa Barangay Lonoy.

The post 21 pulis sa Calbayog mayor slay swak sa kasong administratibo appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
21 pulis sa Calbayog mayor slay swak sa kasong administratibo 21 pulis sa Calbayog mayor slay swak sa kasong administratibo Reviewed by misfitgympal on Hunyo 24, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.