NAPAKINGGAN ko noong isang linggo ang programa sa radyo ng ating kaibigang si Mike Abe na kinakapanayam si Cavite 7th District Congressman Boying Remulla na nananawagan sa kanyang mga kabaro sa Kongreso partikular na sa mga miyembro ng Makabayan Bloc na “kundinahin ang Communist Party of the Philippines, New People’s Army (CPP-NPA) sa pagiging responsable sa pagkakamatay ng kabataang football player at ng kanyang pinsan sa Masbate.
Sa programamng iyon ni Mike Abe, ang sabi ni Remulla ay di niya maintindihan at di niya makita ang radon kung bakit ang ipinipilit ng Makabayan Bloc ay ibalik ang usapang pangkapayapaan o ‘peacetalks’ dahil daw sa mga pangyayaring gaya sa Masbate.
“Hindi ko maintindihan, kasi ito ang pagkakataon na idefine nila yung kanilang role sa lipunan. Kasi marami ang nagsususpetsa na ang mga kasama ko (Makabayan Bloc) ay mayroong paniniwala na hindi karapat-dapat sa isang mambabatas o isang taong naglilingkod sa gobyerno,” ang pagkakasabi pa ni Remulla.
Pinatutungkulan ng mambabatas ang pagkakapatay kay Kieth Absalon at sa punsan nitong si Nolven na pawang napatay sa pagsabog ng isang Anti-Personel Mine o bomba na itinanim at pinasabog ng mga New People’s Army sa lugar noong June 6, 2020, kung saan inako pa at inamin ng CPP-NPA na isang pagkakamali ang pangyayari, na agad namang isinigaw ng Makabaya Bloc na kailangan maimbestigahan ito ng Joint Monitoring Committee. Ang Joint Monitoring Committee ay gumagana lamang mga kaibigan ko kapag mayroong peacetalks – na sa Administrasyon at para kay Pangulong Rodrigo Duterte ay di na uubra.
“Sa pagkakataong ito sa pagkamatay ng isang student athlete na scholar, nang walang kalaban laban ay talagang mabigat. Kasi dito nakikita ang totoong character ng New People’s Army at ang talagang character nila sa pakikipaglaban sa gobyerno. Ang lumalabas dito eh common criminal ang mga ito. Murder ito. Maliwanag na murder,” ang paliwanang ni Remulla.
“Nakataas ang mga kamay. Isipin niyo naman, hindi lumalaban ang tao,mpinatay pa. Kaya nga ‘murder’ ang clearest definition nito. Hindi ko maintindihan bakit ginagawa ito ng mga taong nagsasabing sila ay mga makabayan. Na sila ay nakikipaglaban para sa bayan. Eh parang hindi naman. Kaya yung tinatawag na Makabayan, para namang nakakahiya, ginagamit pa ang terminong ito. Parang wala sa katwiran na tawagin nila ang sarili nilang Makabayan kung ganyan ang kanilang ginagawa sa mga taong walang kalaban laban.” Si Congressman Remulla na ang may sabi niyan ha!
The post Mismong si Remulla na ang maysabi – ikundina niyo! appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: