Facebook

MPBL, PLANONG HUMIRIT NA RIN

PARA sa followers ng MAHARLIKA PILIPINAS BASKETBALL LEAGUE (MPBL), may update na rin at target nitong buksan ang liga sadarating na Setyembre in a closed-circuit bubble set up sa Subic.

Pag-aaralan daw ni Commissioner KENNETH DUREMDES angsupposed closed-circuit bubble na gagawin ng PHILIPPINE BASKETBALL ASSOCIATION (PBA) sa Season 46 Philippine Cup para maging model opattern sa planong opening. Magastos kasi ang bubble dahil regularpala ang swab testing.

Aminado to the max si DUREMDES na role model ng MPBL ang PBAat ito rin ang sinundan nila last year para makapagdaos ng bubble format patterned sa solo pro league ng bansa, na idinaos nila sa Clark, Pampanga.

Mas mahirap ang challenge ng bubble set up para sa MPBL dahil mas maraming koponan ang members na nasa 20 teams from different cities and municipalities sa bansa, patterned naman sa NATIONALBASKETBALL ASSOCIATION (NBA).

Mas masaya ito. Nakakaumay na kasi ang COVID issues at sabikna po ang Sports community sa pagbabalik-sigla ng Palakasan mula sa pagkakalugmok natin sa mahigit isang taon nang pandemya. The more the merrier, Good luck po sa MPBL ni founder, boxing icon turned Senator MANNY ‘PACMAN’ PACQUIAO.

NCAA OPENING, BUBULAGA NA!

SA usapang ‘the more the merrier’, masaya na rin po ang collegiate sports community sa takdang Season 96 opening sa darating na Linggo, Hunyo 13, ng NATIONAL COLLEGIATE ATHLETIC ASSOCIATION (NCAA), oldest collegiate league sa bansa.

Dahil pandemic period pa rin, kaabang-abang kung paano idaraos ito to think na mga estudyante o younger generation ang nasa mundo ng collegiate league. Magkakaroon daw sila ng preventivemeasures para maiwasan pa rin ang pagtitipon-tipon. Mahirap talagaito pero tingnan po natin kung paano maitatawid.

Pinaghahandaan nilang mabuti ang tatakbuhin ng liga. As per NCAA Chairman Fr. VIC CALVO, kundi raw matutuloy yung actual games, merong side events. Matuto raw sanang maging malikhain ang lahat sa kabila ng pandemya na ang dating abnormal ay ginagawangnormal na ngayon.

Let’s all pray na tuluy-tuloy na po ito. Sobrang sabik na po ang lahat. Exciting abangan ang ibubuga ng mga bagong mukha kasabayan ang standouts sa collegiate league na pinaghuhugutan ng pinakamahuhusay na Pinoy cagers. Good luck po!

JUNE HEYDAYS

Happy birthday to fellow sportswriter MARIVIC AWITAN, toCHARIZE ANNE SANTOS and CHARLES DAVE SANTOS of Bataan, GLENDAFRANCISCO RODRIGO-DELA CRUZ of Caloocan, Sir RAMON ‘RAM’ C. GONZALES, of Addition Hills Integrated Schol (AHIS), Mam MA. LIBERTY L. ALBAG of Arellano University Plaridel Campus. and DYLAN LEE GEDE of Caloocan May you all be showered with the Lord’s blessings. HAPPY READING!

The post MPBL, PLANONG HUMIRIT NA RIN appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
MPBL, PLANONG HUMIRIT NA RIN MPBL, PLANONG HUMIRIT NA RIN Reviewed by misfitgympal on Hunyo 09, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.