Facebook

NBA : Jazz 2-0 na vs Clippers

DINUGTUNGAN ni Donovan Mitchell ang kanyang obra maestra na 37-point performance sa Game 1 sa Salt Lake City upang pamunuan ang Utah Jazz sa 117-111 wagi at 2-0 lead laban sa Los Angeles Clippers ng Western Conference semifinals.

Umiskor si Mitchell ng 27 points sa first half, upang tulungan ang Utah na itatag ang momentum ng maaga at kumana ng clutch basket para akayin ang Jazz sa kanilang ika-anim na sunod sunod na tagumpay ngayon postseason.

Nagdagdag si Jordan Clarkson ng 24 points para sa Jazz, Clarkson, ang sixth Man of the Year, at Mitchell ay gumawa ng tig- anim na 3-pointers para sa Utah.

Joe Inglish na pumalit sa puwesto ni injured All-Star point guard Mike Conley, na hindi nakapaglaro sa ikalawang pagkakataon dahil sa strained right harmstring. ay umiskor ng 19 points kabilang ang apat na 3-pointers, habang ang kapwa starter Bojan Bogdanovic nagdagdag ng 16 points at tatlong three pointers.

Jazz center Rudy Gobert na tumanggap ng kanyang ikatlong NBA Defensive Player of the Year trophy bago ang laro, ay nagtapos ng 13 points, 20 rebounds , three blocks at two steals.

Reggie Jackson kumamada ng 29 points at Paul George nagdagdag ng 27 points para sa Clippers.

Kawhi Leonard bumakas ng 21 para sa Clippers na bumagsak sa 2-0 sa series, Ang Clippers ay babalik sa Game 3 sa Sabado sa Staples Center.

The post NBA : Jazz 2-0 na vs Clippers appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
NBA : Jazz 2-0 na vs Clippers NBA : Jazz 2-0 na vs Clippers Reviewed by misfitgympal on Hunyo 11, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.