KINUMPISKA ng Bureau of Custom – Manila International Container Port (BOC-MICP) ang tatlong smuggled na sasakyan nitong Miyerkules, June 9.
Sa ulat, naglabas ng Pre-Lodgement Control Order (PLCO) si MICP District Collector Romeo Allan Rosales laban sa shipment.
Naka-consign ang shipment sa ADFINEST Marketing Corp.
Matapos ang 100 porsyentong examination, nadiskubre ang isang bagong Land Cruiser, isang 2016 Nissan GTR at isang 2020 Chevrolet Camaro ZL1.
Nag-isyu ng Warrant of Seizure and Detention (WSD) sa naturang shipment na tinatayang nagkakahalaga ng P16 milyon.
Magsasagawa ng imbestigasyon at posibleng pagsasampa ng kaso dahil sa paglabag sa Section 1400 na may kinalaman sa Section 1113 ng Republic Act (RA) No. 10863 o Customs Modernization and Tariff Act (CMTA) at dahil sa kakulangan ng Authority to Import mula sa Department of Trade and Industry (DTI). (Jocelyn Domenden)
The post 3 ismagel na sasakyan kinumpiska ng BOC appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: