Facebook

Kinalimutan ang utang, pinatay

PINATAY ang isang lalaki nang kalimutan nito ang inutang na P500 sa kapwa niya mangingisda sa bayan ng Gamay, Northen Samar.

Kinilala ang biktima na si Nilo Esteria, 40 anyos; habang ang salarin ay kinilalang si Henry Nofies, 67.

Ayon sa Northern Samar Police Provincial Office, nag-ugat ang pananaksak nang singilin ni Nofies ang biktima sa P500 utang nito.

Gayunman, nanindigan ang biktima na nabayaran na niya ang utang na ikinagalit ni Nofies.
Inundayan ng saksak ni Nofies sa iba’t ibang bahagi ng katawan si Esteria na agad nitong ikinamatay.

Nahaharap si Nofies sa kasong murder.

The post Kinalimutan ang utang, pinatay appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Kinalimutan ang utang, pinatay Kinalimutan ang utang, pinatay Reviewed by misfitgympal on Hunyo 11, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.