Facebook

Hagip ng CCTV! Call center agent nag-aabang ng masasakyan sinakal, inagawan ng celfone at bag

NAKUNAN ng CCTV sa lugar ang pagsakal ng dalawang lalaki at sapilitang pagkuha sa cellphone at bag ng isang call center agent na nag-aabang ng masasakyan papasok sa trabaho sa Quezon City.

Sa ulat, makikita sa CCTV ang pag-aabang ni John Angelo Paolo Palomique ng masasakyan sa Quirino 3-A 5:30 ng madaling araw nitong Lunes nang biglang huminto ang isang tricycle hindi kalayuan sa kaniya. Tapos dalawang lalaki ang bumaba sa tricycle at pinagtulungang agawin kay Palomique ang hawak nitong cellphone.

“Biglang may humatak ng kamay ko, nilakihan niya ako ng mata tapos biglang may sumakal na po sa akin na ganu’n. Hindi na ako nanlaban kasi mas inisip ko pa rin ‘yung buhay ko. ‘Yung mismong katabi ko roon, hiningian ko ng P20 para lang makauwi ako ng bahay,” sabi ni Palomique.

Nakuha kay Palomique ang kaniyang cellphone at bag.

May nakatutok noon na CCTV ng barangay, pero nang respondehan ng mga awtoridad, hindi na nila naabutan ang mga salarin.

Pero pagkalipas ng ilang oras, nahuli agad ng pulisya ang isa sa mga kawatan, na kinilalang si Antonio Lonabella.

“Nakita ‘yung suspek na driver doon sa getaway vehicle na gamit niya ‘yung single na motorcycle,” sabi ni Police Lieutenant Colonel Imelda Reyes, commander ng Anonas Police ng QCPD.

Nakuha sa salarin ang company ID ng biktima pero hindi na nabawi pa ang ninakaw nilang bag at cellphone.

Isa pang salarin ang nahuli, samantalang dalawa ang pinaghahanap pa.

The post Hagip ng CCTV! Call center agent nag-aabang ng masasakyan sinakal, inagawan ng celfone at bag appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Hagip ng CCTV! Call center agent nag-aabang ng masasakyan sinakal, inagawan ng celfone at bag Hagip ng CCTV! Call center agent nag-aabang ng masasakyan sinakal, inagawan ng celfone at bag Reviewed by misfitgympal on Hunyo 11, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.