Facebook

Nurse nag-tiktok sa harap ng kabaong ng ama

VIRAL ngayon sa social media ang pag-tiktok ng isang dalagang nurse sa tabi ng kabaong ng yumaong ama sa Echague, Isabela.

Ayon kay Marinette Danao, nag-iisang anak ng yumao, kinagigiliwan ng kanyang papa ang pagsasayaw nito lalo kapag nag-tiktok.

Napag-alaman na kapwa nagpositibo sa Covid-19 ang mag-ama na agad ding gumaling, subali’t nitong buwan ng Hunyo ay na-hit and run ang ama na nagresulta ng kanyang kamatayan.

Batay sa talaan ng pulisya, hindi kaagad natukoy ang bumangga sa ama ng nurse, subali’t kalaunan ay sumuko rin sa himpilan ng pulisya sa naturang bayan ang nakasagasa.

Anang nurse, ramdam niya na napapasaya niya ang yumaong ama sa pamamagitan ng kanyang pagti-tiktok sa tabi ng kabaong nito.

Humingi ng paumanhin ang dalaga sa mga nakidalamhati dahil sa ganitong huling pagkakataon sa harap ng kabaong ng kanyang ama, aniya, maipamalas niya ang kinagigiliwan nito. (Rey Velasco)

The post Nurse nag-tiktok sa harap ng kabaong ng ama appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Nurse nag-tiktok sa harap ng kabaong ng ama Nurse nag-tiktok sa harap ng kabaong ng ama Reviewed by misfitgympal on Hunyo 11, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.