Facebook

No. 9 drug suspek arestado sa Quezon City

SWAK sa kulungan ang no. 9 drug personality at ang live in partner nito sa isinagawang drug buy bust operation sa Brgy. Tandang Sora, Quezon City Biyernes ng gabi.

Kinilala ni PLTCOL Christine Tabdi, PS 3 Commander ang nadakip na si Raymundo Cortez, 35, nasa No. 9 Drug Personality ng Quezon City Police District station 3 Talipapa, residente ng Libra St., Brgy. Tandang Sora, QC; at ang live in partner nito na si Jennifer Lumadilla, 41, residente ng 1010 Taurus St., Brgy. Tandang Sora, QC.

Ayon sa ulat ni PCpl. Paul Tumbaga nadakip ang mga suspek, 7:30 ng gabi nitong Hunyo 4, 2021 (Biyernes) sa Libra St., Brgy. Tandang Sora, QC.

Nakuha mula sa mga suspek ang may 5 gramo ng shabu na nagkakahaga ng mahigit sa P30,000 pesos.

Nakapiit ngayon ang mga suspek at nahaharap sa kasong illegal drugs.(Boy Celario)

The post No. 9 drug suspek arestado sa Quezon City appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
No. 9 drug suspek arestado sa Quezon City No. 9 drug suspek arestado sa Quezon City Reviewed by misfitgympal on Hunyo 05, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.