ISANG overseas Filipino worker (OFW) na pauwi na sa Pilipinas ang natagpuang patay sa tinitirhan nito sa Riyadh, Saudi Arabia.
Ayon kay Susan, asawa ng OFW na si Reandro Molino, buwan ng Mayo nang mabanggit ng mister niya na nanghihina siya at parang nilalagnat nang maturukan ng ikalawang dose ng Covid-19 vaccine.
At Hunyo 8 nang sabihin ni Reandro na may problema siya pero hindi na nagbigay ng ibang detalye.
Sa kaparehong araw, nakatanggap ng tawag si Susan mula sa manager ni Reandro at ipinaalam na patay na ang kanyang asawa at may saksak ito sa leeg.
Ayon sa pamilya ni Reandro, walang kaalitan sa trabaho ito at imposible ring magawa niya ito sa kanyang sarili.
Umapela si Susan ng tulong kay Pangulong Rodrigo Duterte para makamit ang hustisya sa pagkamatay ng kanyang asawa.
Ayon naman kay Philippine Ambassador to Saudi Arabia Adnan Alonto, may embassy case officer nang nakikipag-ugnayan sa mga pulis sa Saudi gayundin sa employer ng biktima para maiuwi ang labi nito sa Pilipinas.
The post OFW nilaslas ang leeg sa Saudi appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: