Facebook

Ospital sa Bulacan itinangging ‘di tinanggap ang manganganak na buntis dahil walang swab test

NAGSALITA na ang Rogaciano M. Mercado Memorial Hospital sa Sta. Maria, Bulacan tungkol sa ‘di nila pagtanggap sa manganganak na buntis dahil walang swab test.

Kinilala ang misis na si Emmalyn Magallanes.

Ang nangyari sa buntis ay isinalaysay ng kaniyang live-in partner noong Biyernes.

Ayon sa live-in partner ni Magallanes, ayaw silang tanggapin ng ospital dahil wala silang maipakitang swab test result.

Hindi rin daw pumayag ang ospital na isunod nalang ang swab test at hayaan munang makapanganak ang ginang dahil nagla-labor na ito.

“Natingnan agad siya ng naka-duty na OB-GYN at nakitang nagsisimula pa lamang ang labor. Nag-request ang doctor ng RT-PCR, Antigen Test at Chest X-Ray na gagawin sa ating pagamutan,” saad ng pahayag ng ospital.

Dagdag ng ospital, papunta na si Magallanes sa laboratoryo nang nakaranas siya ng “Precipitate Labor” o sobrang mabilis na pagbuka ng cervix “Kaya sa may Employees’ Entrance sa loob ng hospital compound siya nahiga at dito naglabas ng bata bandang 10:20 a.m.”

Agad namang naiulat sa ibang staff ang insidente kaya naibalik si Magallanes sa OB department at doon siya binigyan ng lahat ng karampatang atensyong medikal.

“Kaya po laking gulat namin nang mag-issue silang mag-partner ng statement… na taliwas sa nangyari at malayo sa isinalaysay ng pasyente sa video at sa hand written statement niya,” anang ospital.

“Naglabas ng post sa Facebook ang kapitbahay ng pasyente na lubhang mali at nakakasama sa pangalan ng ating pagamutan,” saad ng Rogaciano M. Mercado Memorial Hospital.

Hinimok ng ospital si Magallanes at ang live-in partner nito na iwasto ang umano’y maling pananaw sa naturang insidente.

The post Ospital sa Bulacan itinangging ‘di tinanggap ang manganganak na buntis dahil walang swab test appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Ospital sa Bulacan itinangging ‘di tinanggap ang manganganak na buntis dahil walang swab test Ospital sa Bulacan itinangging ‘di tinanggap ang manganganak na buntis dahil walang swab test Reviewed by misfitgympal on Hunyo 09, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.