MATAPOS maturukan ng covid-19 vaccine na AstraZeneca si Senior Deputy Speaker Cong Doy Leachon sa Maynila ay tumulak agad pabalik ng Oriental Mindoro ang kongresista para sa blessing inauguration ng Barangay Bancuro Covered at Naujan Tourism Road mula Brgy. Antipolo hanggang Simbahang Bato na proyekto ng team MBS sa pangunguna ni Cong Leachon at MBS President Vice Governor Jojo Perez na nagkakahalaga ng 35 milyon na sinaksihan ni Brgy Chairman PIDO FRIAS at binasbasan ni Fr. Dennis Delmo.
Sa mga hindi nakakaalam sa loob ng 3 taon ni Cong Leachon sa kongreso bilang kinatawan ng Oriental Mindoro sa unang distrito ay bilyong peso proyektong pang imprastraktura na ang nadala nito sa nasabing probinsya partikular na sa unang distrito na pwedeng gawin sa buong probinsiya.
Samantala pwede na ring daanan ang bagong gawang kalsada sa Curva, Naujan matapos itong buksan kamakailan. Pinangunahan ni SDS Congressman Paulino Salvador “Doy” Leachon first District Representative ng Oriental Mindoro ang road inauguration kasama sina Vice Gov. CA Jojo Perez, Board Member Edel Ilano at Board Member Aleli Casubuan ang P350 milyong Curva Road sa Naujan mula (Pinagsabangan Beach Road) hanggang National Highway.
Ang proyektong pang-imprastruktura ang pangunahing daan mula sa National Highway hanggang sa poblacion ng Naujan, kung saan makikita ang District Hospital at Municipal Hall.
Ayon kay Cong Leachon, ang nasabing proyekto ay ang katuparan ng kanyang pangako sa mga Naujeños na kanyang ipapagawa ang dating napabayaang kalsada.
Aniya, ang proyektong kalsada ay bahagi ng magpapalago ng ekonomiya upang mapabilis na maibaba mula sa bundok papunta sa kapatagan ang mga kalakal maging ang transportasyon.
Lubos naman ang taos pusong pasasalamat ni Naujan Mayor Mark Marcos, Vice Mayor Sheryl Morales mga Sangguniang Bayan, Municipal Administrator Bobie Navarro at mga opisyal ng Barangay sa mabilis na pagtugon ni Congressman Doy Leachon sa kanilang kahilingan
Samantala isa pang MBS Road concreting project na may halagang 9 Million sa Tagumpay, Baco.
***
Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon mag-email lang sa balyador69@gmail.com.
Ugaliing makinig sa programang “BALYADOR” at “WALANG PERSONALAN TRABAHO LANG” mula lunes hanggang linggo 11:00am-12:00noon sa RADYO NG MASA entertainment net radio. tuwing sabado at linggo 12:00nn-12:30pm sa DWBL 1242 kHz am band, tuwing martes 9:30am RADYO NATIN 105.3 FM Pinamalayan at 10:00am RADYO NATIN 102.9 FM Victoria, tuwing huwebes 9:00-10:00am sa 96.9 FM RADYO NATIN Calapan City. Mapapanood livestreaming at Youtube live!
The post P35-milyon Bancuro Road, puwede ng daaan — Cong. Leachon appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: