Facebook

Pagtatas ng salary grade ng Nurse II, suportado ni Bong Go

SUPORTADO ni Senate Committee on Health chairman, Senator Christopher “Bong” Go ang panukala ng Department of Health na itaas ang salary grade ng government nurses sa Nurse II positions sa pagsasabing naaayon lamang ito sa kanilang kasanayan at karanasan.

“Suportado ko po ang suhestyon ng DOH na itaas ang salary grade ng mga nurses na nasa Nurse II position upang mabigyan sila ng tamang compensation na naaayon sa kanilang kasanayan, kaalaman at karanasan,” ayon kay Go.

“Mahalaga po na magawa natin ito lalo na ngayong may pandemya at nais nating pataasin ang morale ng ating mga frontliners. Tandaan natin na may mga pamilya rin silang binubuhay. Ibigay natin sa kanila ang suportang kailangan nila bilang sila ang bayani sa laban na ito kontra COVID-19,”anang senador.

Noong 2019, isa si Go sa masugid na nagtutulak na tiyakin ang sapat na pondo sa implementasyon ng Supreme Court decision sa Section 32 ng Philippine Nursing Act of 2002 na nagtataas sa minimum salary grade ng Nurse I position tungo sa SG-15 eighteen years.

Noon namang July 2020, naglabas ang Department of Budget and Management ng Budget Circular No. 2020-4 para maipatupad ang ruling na nag-a-upgrade sa SG allocation ng Nurse I position mula SG-11 tungo sa SG-15.

Gayunman, bilang resulta, ang mga Nurse II na nakatatanggap ng SG-15 ay hindi nagbabagao ang suweldo nang ma-reclassified ang kanilang posisyon sa Nurse I.

Dahil dito, isinulong ng DOH na itaas ang SG ng Nurse II sa SG-16 at suportadi ito ni Sen. Go sa pagsasabing nararapat lamang ito batay sa kanilang kasanayan at kaalaman.

“The functions of the former Nurse Il position merited a higher qualification standard, salary grade, and skills and experience as opposed to Nurse I,” paliwang ni Go.

“Higit sa 3,000 nurses na po ang nag-abroad sa unang tatlong buwan nitong taon, habang 10,000 nurses naman ang lumabas ng bansa noong 2020.”

“Sa panahong ito ng pandemya, dapat nating suportahan at pataasin ang morale ng ating mga nurses sa pamamagitan ng pagbibigay ng sweldo na nararapat lamang para sa kanila para manatili sila sa bansa,“ idinagdag ng senador. (PFT Team)

The post Pagtatas ng salary grade ng Nurse II, suportado ni Bong Go appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Pagtatas ng salary grade ng Nurse II, suportado ni Bong Go Pagtatas ng salary grade ng Nurse II, suportado ni Bong Go Reviewed by misfitgympal on Hunyo 01, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.