Facebook

‘Zero positive’ case, naitala sa Maynila — Isko

SA kauna-unahang pagkakataon simula ng magbigay ng libreng RT-PCR testing o swab testing noong isang taon, ang kabisera ng bansa ay nakapagtala ng ‘zero positive’ case sa loob ng isang araw at ito ay noong May 29, 2021.

Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno, ito ay base sa ulat na ipinadala sa kanya ni Dr. Grace Padilla, director ng Sta. Ana Hospital na siyang nagsisilbi bilang pangunahing ospital pagdating sa kaso ng COVID-19.

Ang nasabing report ay naglalaman ng daily count ng samples ng specimen na natanggap at naproseso sa nasabing araw at ang cumulative count noon pang magsimula ang operasyon noong October 4, 2020.

“Maraming salamat sa Diyos. This is a very welcome piece of news at sana ay magpatuloy ang pagbaba,” pahayag ng tuwang-tuwa na alkalde, kaugnay ng naitalang zero positive case sa coronavirus noong nakaraang Sabado.

Ayon kay Padilla, ang RT-PCR daily count ng COVID tests na ginawa noong May 29, 2021 sa Sta. Ana Hospital ay nagrehistro ng ‘zero’ positive case, na nagpapakita na ang mabilis na vaccination program ng lungsod ang dahilan.

Noong kasagsagan ng surge may apat na linggo na ang nakakaraan, sinabi ni Padilla na mahigit 100 katao araw-araw ang nagpopositibo sa kaso at walang araw na lumilipas nang hindi nakakapagrehistro ng mga nagpositibo sa COVID-19.

Sa kasalukuyan ang pagamutan ang nagsisilbing sentro ng kampanya ng pamahalaang lungsod kontra COVID-19. Maliban pa sa pagiging lugar kung saan matatagpuan ang Manila Infectious Disease Control Center (MIDCC), naririto din ang molecular testing laboratory COVID vaccines storage facility at ang RT-PCR machine kung saan lahat ng samples na kinuha sa mga sumailalim sa free swab testing mula sa six city-run hospitals at drive-thru center ay dinadala at binabasa ang resulta.

Ayon kay Moreno, siya at si Vice Mayor Honey Lacuna ay patuloy na gagawin ang lahat ng kanilang makakaya upang tugunan ang suliraning dala ng COVID-19 at sisiguraduhin din nila na mabakunahan ang lahat ng Manileño kapag may steady supply na ng bakuna.

Sa panig naman ni Lacuna ay sinabi nito na ang palagiang pagpapaalala ni Moreno sa mamamayan na samantalahin ang libreng bakuna para sa karagdagang proteksyon ng mamamayan upang hindi mauwi sa severe o critical sakaling ma-infect ng virus ay umeepekto na base na rin sa heavy turnout ng mga residente sa vaccination sites.

Si Lacuna ang napili ni Moreno na mamuno sa mass vaccination program ng pamahalaang lungsod dahil sa pagiging isang doktor nito kabilang si Manila Health Department chief Dr. Arnold Pangan. (ANDI GARCIA)

The post ‘Zero positive’ case, naitala sa Maynila — Isko appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
‘Zero positive’ case, naitala sa Maynila — Isko ‘Zero positive’ case, naitala sa Maynila — Isko Reviewed by misfitgympal on Hunyo 01, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.