Facebook

Takot si Duterte sa ICC

HINDI natin alam kung ano ang mangyayari sa sakdal na crimes against humanity na iniharap ni Sonny Trillanes at Gary Alejano laban kay Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (ICC). Nakatakdang magretiro sa ika-15 ng Hunyo si ICC Chief Prosector Fatou Bensouda at papalitan siya ni Karim Khan ng Britanya. Si Bensouda ang naatasan upang imbestigahan ang sakdal nina Trillanes at Alejano sa tila nababaliw na si Duterte.

Agad na papalit si Khan sa ika-16 ng Hunyo, ngunit kahit paalis si Bensouda, nag-iwan siya ng mga salita na dahilan na kabahan si Duterte at mga alipures na kasangkot sa madugo ngunit walang nangyaring digmaan kontra droga. Kinumpirma ni Bensouda na may final report ang kanyang tanggapan at matatapos ito sa takdang panahon. Hindi pinawalang saysay ng ICC ang sakdal laban kay Duterte at mga alipures tulad ni Alan Peter Cayetano, Bato dela Rosa, at Dick Gordon na pawang nagbigay buhay sa kampanyan ni Duterte laban sa droga.

Ani Bensouda, magsusumite siya ng huling ulat kung dapat umpisahan ang pormal na bahagi ng pagsisiyasat ng ICC kung saan hihingan ang gobyerno ni Duterte na mga ulat at katibayan sa walang habas na patayan hinggil sa kampanya kontra droga. Maaari maglabas ng order ang ICC upang dakpin si Duterte at tauhan na may kinalaman at kaugnayan sa mga patayan.

Dapat sana isinumite ng opisina ni Bensouda noong Disyembre ang final report ng preliminary investigation. Ngunit hindi ito natapos dahil sa pandemya na humagip sa halos kabuuan ng Europa noong nakaraang taon. Ani Bensouda, matatapos ang final report sa imbestigayon ngayong taon. Wala siyang ibinigay na petsa. Hindi niya sinabi kung siya ang magsusumite bago magretiro, o ang kanyang kapalit na ang magsusumite.

Ngunit nilinaw na gumagalaw ang sakdal laban kay Duterte at alipures. Hindi ito nagkaroon ng anumang dismissal sa punto ng batas. Si Bensouda ang nagbukas ng imbestigasyon dhil sa sakdal ni Trillanes at Alejano kaugnay sa giyera kontra droga ni Duterte. Sinabi niya na may “makatwirang basehan” na mga crimes against humanity sa kampanya ni Duterte.

Kung bubuksan ang pormal na bahagi ng pagsisiyasat, mag-iisyu ang ICC ng mga summons at arrest orders. Sinusunod ng ICC and orihinal na timeline na kanilang plano kay Duterte. May dahilan upang magpuputak si Duterte at kutyain pati ang kulay ng balat ni Bensouda na isang itim. Ibinaling niya ang galit sa abugada.

Ito ang labis-labis na kinatatakutan ni Duterte. Mababakas sa kanyang mukha ang matinding takot. Hindi niya gusto ang dakpin siya dahil naniniwala siya sa mga patayan bilang sagot sa problema sa droga. Hindi ang kanyang paniniwala ang kinakapitan na batas at pilosopiya ng pandaigdigang komunidad pagdating sa usapin ng ilegal na droga. Hindi siya naniniwala sa pangingibabaw ng batas at tamang proseso.

Noong Lunes ng gabi, muling lumabas si Duterte sa TV na tinaguarian ng mga kritiko na “gabi ng lagim” at bakas ang takot sa kanyang mapangutyang mukha ng talakayin niya ang usapin ng madugo ngunit bigong giyera sa ilegal na droga. Giyera ito na nauwi sa maagang kamatayan ng tinatayang 30,000 tao sa buong bansa.

Mukhang hindi niya bubuksan ang record ng gobyerno sa mga pinatay kaugnay sa kampanya laban sa droga. Matindi ang kaba ni Duterte dahil kapag may probable cause ang mga patayan, maaari silang ipadampot ng ICC. Ngayon, ang ginagawa nila ay ang tinatawag na sandbagging operations. Nakita ninyo ang mga war films. Naglalagay sila ng sandbag para hindi tumagos ang bala sa kanila. Bahagi ng kanilang pag-iingat sa isyu.

***

DALAWA ang nakikita naming dahilan nang nagdaos ng general assembly ang PDP-Laban: Sibakin si Manny Pacquiao sa lapian; at ipakita sa publiko na malakas pa si Duterte at may control sa lapian. Naging problema si Mane sa mga diyos-diyosan sa partido tulad ni Duterte, Bong Go, Koko Pimentel, at Alfonse Cusi. Mahirap na siyang manduhan at mukhang nagsarili na si Mane.

Ngunit hindi pa katapusan ng mundo. Maaaring magsarii si Mane sa laban May sapat na salapi si Mane upang tapatan ang PDP-Laban na naging lapian ng mga oportunista at walang prinsipyo. Linawin lang ni Mane ang kanyang mga prinsipyo at paniniwala at mas maraming boto siyang makukuha sa kandidato ng Grupong Davao at PDP-Laban. Kulang lang sa public projection si Mane, sa aming tantiya. Hindi katapusan ng mundo kung bitiwan siya ng grupo ni Duterte. Isang kahangalan na maniwala na malakas pa sila.

***

MAY isinulat na munting sanaysay si Roly Eclevia, aming kaibigan, kung bakit dapat manatili ang Estados Unidos sa pagsuporta sa Fiulipinas. Pakibasa:

U.S. must intervene
or it will lose Philippines to China.

In the 60s and 70s, the U.S. fought a war in Vietnam to prevent that country from going communist. It sacrificed the lives of tens of thousands of American soldiers and spending trillions of dollars in the process.

Now the U.S. is in real danger of losing the Philippines, its closest and oldest ally in Asia-Pacific, to Communist China, but this time it does not have to put American boots on the ground to do something about it. It only has to say the word, and the pro-American Armed Forces of the Philippines will depose Rodrigo Duterte, its traitorous commander-in-chief.

Mr. Duterte is delivering the Philippines to China piece by piece. He is tipping the balance in case of war, nuclear or conventional, in favor of the enemy. There is no greater case for U.S. intervention.

The U.S. is reluctant to intervene because the removal of a leader might result in chaos, but that only applies to a country like Iraq or Libya, where it is fear of reprisal that keeps people in line, not respect for the constitution and the law or adherence to democratic norms.
Not so in the Philippines. The country has a long tradition of democratic rule, imperfect as it may be. There is a clear line of succession. The vice president can immediately take over and restore order.

The Americans know Filipinos will welcome them as liberators. The only thing that holds them back is the public relations fallout in the rest of the world.

Once they decide it is worth the bad press, Mr. Duterte is out before he can say “Putang Ina!”
Email:bootsfra@yahoo.com

The post Takot si Duterte sa ICC appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Takot si Duterte sa ICC Takot si Duterte sa ICC Reviewed by misfitgympal on Hunyo 01, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.