Facebook

Palpak na pangangasiwa ni Gov. Suarez sa Covid-19 sa Quezon, ikinasawi ng 600 katao

GRABE pala ang nagyayari sa Quezon ngayong panahon ng pandemyang coronavirus disease – 2019 (COVID – 19).

Alam ba ninyo na umabot sa halos 600 na ang natodas dahil sa COVID – 19 sa Quezon?

Ngayon, alam n’yo na.

Maraming nagulat at nagkometaryong hindi kumilos si Governador Danilo “Danny” Suarez upang mapigilan ang pagkalat ng naturang sakit sa maraming tao sa Quezon.

Nakumbinsi ang nakararami sa lalawigan na totoo ang matagal nang sinasabi ng mga tao na mahina ang pangangasiwa ng administrasyon ni Suarez.

Ultimong asawa niyang si Congresswoman Aleta ay tinamaan ng COVID – 19.

Pokaragat na ‘yan!

Mabuti na lamang maraming pera ang pamilya Suarez, kaya hindi napabilang ang miyembro ng kanilang pamilya sa halos 600 na mga namatay.

Paano kaya ang mga pamilya ng 600 biktima ng COVID – 19?

Ang balita ay pinabayaan na sila ng pamahalaang panlalawigan.

Pokaragat na ‘yan!

Ang balita, sa Quezon ay umiiral ang konseptong “to each his own”.

At paano ding hindi masasawata ang pagkalat ng COVID – 19 sa Quezon, e mismong ang gobernador ay naispatan ng mga photographer na gumagala nang walang face mask.

Ayon mismo kay Dr. Grace Santiago, head ng Integrated Provincial Health Office (IPHO), isa sa mga dahilan sa pagkalat ng COVID – 19 ay ang hindi pagsunod ng mga tao sa health protocols tulad ng pagsusuot ng face mask.

Katwiran ng karamihan ay paanong ipatutupad nila ang health protocols laban sa COVID – 19, samantalang ang gobernador ay hindi nagsusuot ng face mask.

Tapos, ang mga ordinaryong magniniyog ay pagdidiskitahan?

Pokaragat na ‘yan!

Kaya, kahit masigasig ang ilang opisyal ng pamahalaang panlalawigan sa Quezon, sa pangunguna ng mga board member sa pagtulong sa mga nasasakupan nila, tuloy ang panaghuwi ng mga tao — nasaan na naman si gobernador?

Nabatid nating ipinag-utos na ni Lucena Mayor Roderick Alcala sa mahigit 600 niyang mga “village marshal” na kumilos upang pagsabihan, o kaya, bigyang disiplina ang COVID – 19 protocol violators.

Nabalitaan din nating madalas ang pagbibigay ng tulong – medikal ni 4th District Congresswoman Helen Tan.

Katunayan, nanawagan at humiling pa si Tan ng karagdagang bakuna para sa Quezon.

Nitong Hunyo 9, labindalawang residente ng Quezon ang nalagutan ng hininga dahil sa COVID – 19.

Sa loob lamang ng siyam na araw, limampung katao na sa Quezon ang namatay.

Halos 30,000 ang nahawaan ng COVID – 19 simula noong Marso ng kasalukuyang taon.

Ayon kay Ed Santos ng Quezon Rise Movement, o QRM, dapat managot ang dapat managot sa pagtuloy na malamya at matamlay na pangangasiwa laban sa COVID – 19 cases sa lalawigan.

Para kay Santos, hindi epektibo ang pamamahala ni Governor Suarez laban sa pandemya dahil nagkulang ito sa pagsasagawa ng massive contract tracing, isolation at medical care sa mga biktima ng COVID – 19.

Idiniin ni Santos ang pag-amin na pagod na ang otsosiyentos anyos na gobernador at nais na talaga nitong magretiro.

Kaya naman, pinabayaan na ang mga taga-Quezon.

Ganyang klase bang serbisyo ang dapat sa mga taga-Quezon?

Inuna pa nga ang pagpapagawa ng t-shirts na mayroong pangalan ng gobernadora bago ang pangangalaga sa mga taumbayan.

Pokaragat na ‘yan!

Ikinatwiran ni gobernador ang re-enacted budget, pero kita mong ginamit nga ang pera hindi para sa bayan, kundi sa pagdagdag ng mga polo shirts na may himig pangampanya dahil sa malaking pangalan ni Governor na nakadikit sa mga ito.

Kung pagod ka na Governor Suarez, hayaan mo na lang ang mga mas batang lider kumpara sa ‘yo ang soyang mamuno sa lalawigan.

Sa sunod na eleksyon, dapat maging mautak na ang mga naninirahan sa Quezon.

Huwag nang padala sa madumi at lumang politika.

Iboboto mo pa ba ang politikong dekada nang nakakapit sa kapangyarihan na wala man lang nabago sa kalakaran ng lalawigan?

The post Palpak na pangangasiwa ni Gov. Suarez sa Covid-19 sa Quezon, ikinasawi ng 600 katao appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Palpak na pangangasiwa ni Gov. Suarez sa Covid-19 sa Quezon, ikinasawi ng 600 katao Palpak na pangangasiwa ni Gov. Suarez sa Covid-19 sa Quezon, ikinasawi ng 600 katao Reviewed by misfitgympal on Hunyo 13, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.