Facebook

Pulis patay sa ambush sa Tarlac

NASAWI ang isang pulis nang pagbabarilin habang nakasakay sa kanya kotse Martes ng umaga sa Capas, Tarlac.

Kinilala ang biktima na si Police Staff Sergeant Michael Maun, 38 anyos, may-asawa, nakatalaga sa PNP Aviation Group sa Clark, Pampanga, at residente ng Barangay Cristo Rey, Capas.

Sa ulat, 7:15 ng umaga nang maganap ang insidente sa Barangay Sto Cristo, ilang metro lamang ang layo sa tahanan ng pulis.

Ayon sa report, sakay ng kanyang Toyota Altis ang biktima nang mag-overtake sa kanya ang kulay itim na Toyota Sedan sakay ang tatlong lalaki na mabilis na bumaba sa sasakyan at pinagbabaril si Maun.

Mabilis na tumakas ang mga salarin patungo sa east direction sa bayan ng Concepcion, Tarlac.

Sinubukan pang itakbo sa ONC Hospital ang biktima subali’t idineklara itong dead on arrival bunsod narin ng mga tinamong tama ng bala.

Agad naman inalarma ng pulisya ang sasakyan ng mga salarin na may plakang ZEW568, itim na Toyota Sedan. At nakita itong nakaabandona sa Sitio Baloy, Bgy, Arengoreng, Concepcion.

Nabatid sa plaka ng sasakyan na babae ang may-ari. Duda ng mga otoridad na karnap ang ginamit na sasakyan. (Thony Arcenal)

The post Pulis patay sa ambush sa Tarlac appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Pulis patay sa ambush sa Tarlac Pulis patay sa ambush sa Tarlac Reviewed by misfitgympal on Hunyo 08, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.