Facebook

Sa dami ng mga czar, si Julius Ceasar na lang ang kulang

SA dami ng mga czar na tinalaga ng gobyerno, tila yata si Julius Ceasar na lang ang kulang. Minsan ay nakakaasar na rin dahil sa sandamakmak na regulasyong pinapatupad ng mga ito na kung titingnan mabuti ay halos duplication lang at parang iisa lang ang pakay at layunin.

Ang mga czar na ito ay tinalaga at binuo lang ng panahon ng pandemic upang masinsin na mapangalagaan ang kalusugan ng ating mamamayan laban sa banta ng virus dulot ng covid19, iba-iba lang ngang aspeto.

Kung hindi tayo nagkakamali ay sila ang mga lider o masasabing mga department head na may posisyon o label na cabinet rank, mabigat di po ba?

Tagapangasiwa ito ng parang isang task force na kung saan konsentrado lang sila o naka-focus sa mga bagay na may kinalaman sa pagsugpo ng virus.

Ang tanong ay magkano naman kaya ang puhunan ng gobyerno sa isusuweldo sa mga tao at empleyadong nasa ilalim nito, partikular pa rin siyempre ang sa mga czar na malamang na parang isang kabinete rin ang suweldo.

Mantakin niyo kung ilan mga czar ito. May vaccine czar, may treatment czar, may food and poverty czar etc. Iba pa siyempre ang IATF at NTF Against Covid19 na may partikular din sahod.

Kung ating susuriin ay pawang mga dating heneral din ang may hawak nito sa halip na mga taong masasabi nating mga health expert tulad ng mga doktor at siyentipiko..

Sa dami ng mga tinalagang czar, masasabi natin na maaaring si Julius Ceasar na lang ang kulang na isa ring sundalo at politiko.

Marami ang nagsasabing dapat ay consultant o kaya’y adviser na lang ang naging mga papel ng mga czar na ito dahil halos wala naman function ang iba at once in a blue moon lang kung lumutang.

‘Di tuloy na tin masabi kung naka-kaasar o talagang ina-asar lang tayo ng mga ito, di po ba? Harinawa’y maging matagumpay ang inyong proyekto at layunin para sa sambayanang Pilipino.

CALOOCAN CITY, PINAKABULOK SA
PAGPA-PATUPAD NG BATAS AT ORDINANSA

Marami ang kababayan nating nagsasabi na tila ang Lungsod daw ng Caloocan ang pinakabulok sa larangan ng pagpapatupad ng batas at mga ordinansa.

Ito ay binase sa mga nakaraang eksperiensya tulad ng nangyari sa gathering sa Gubat sa Siyudad Resort na kung saan sandamakmak na mga tao ang nagtipon dito.

Walang nagawa ang ang barangay na nakakasakop dito at lumabas na parang nakunsinti lang lang ang mga tao. Malayo kung ikukumpara mo sa ibang barangay lalo na sa pagpapatupad ng disiplina.

May ilan mga beerhouse din ang nauulat na nag-ooperate na sa nasabing lungsod na maging mga pulis na mismo ay walang gina-gawang aksiyon.

Everybody happy daw mga tao dito na walang sinusunod na health protocol partikular na ang di pagsusuot ng face mask at social distancing.

Spoiled umano ang mga customer dito partikular na ang beerhouse sa 5th avenue na isang major daw pulis ang may-ari. Nagka-kandungan na daw ang mga tao dito.

Ito ang rason kung bakit sinasabing pinakbulok daw sa pagpa-patupad ng ordinansa at batas ang Caloocan city. Walang paki-alaman at mas lalong walang masamang tinapay he… he… he…

Iba at malayo daw ang nasabing lungsod kung ikukumpara mo sa Maynila at Taguig, iyon ang sabi nila.

The post Sa dami ng mga czar, si Julius Ceasar na lang ang kulang appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Sa dami ng mga czar, si Julius Ceasar na lang ang kulang Sa dami ng mga czar, si Julius Ceasar na lang ang kulang Reviewed by misfitgympal on Hunyo 14, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.