Facebook

‘SAMPUNG- LIBONG PAG-ASA’ NI APC, SULONG SA BICAM

DETERMINADO si dating Speaker Alan Peter Cayetano at ang kanyang mga kaalyado sa Kongreso na isulong sa House and Senate Bicameral Conference on Bayanihan 3 upang i-adopt ang probisyon sa distribusyon ng P10,000 sa bawat pamilyang Pilipino.

“Napag-usapan ng grupo, ‘wag nang pahabain ang debate kase iilang araw na lang at pabayaan na siyang pumasa ng ganyan, pero ipaglalaban sa bicam at magkumbinse pa ng ilan pang mga kongresista na sampung-libo ang minimum na kailangan ng bawat pamilya para makaahon,” wika ni Cayetano.

Noong nakaraang linggo ay inaprubahan ng House of Representatives ang Bayanihan 3 bill sa second reading.

Magugunitang noong Pebrero ay nag-file sina Cayetano at kaalyado ng naturang bill sa para sa bawat pamilyang Pilipino.

Ang 10k Ayuda Bill ay naghatid ng inspirasyon sa programa ni APC na ‘Sampung -Libong Pag-asa ‘ upang pangunahan nito at kanyang allies sa HoR.

Sa kasalukuyan, naipamahagi na nina Cayetano and company ang cash aid sa mga poorest of the poor sa Batangas, Bulacan, Cavite, Camarines Sur, Caloocan City, Marikina City, Quezon City, Taguig City, Mandaluyong City, Pateros, Laguna, Rizal at Leyte.

“Ang Bayanihan ay bahagi ng ekonomiya ng Panginoon. Wala pong ekonomista na magtuturo sa atin na mamigay nang mamigay”, ani Cayetano na pasimuno sa pamamahagi ng tulong- pinansiyal galing sa kanyang mismong lukbutan.

Saludo ang korner na ito sa mga tunay na lingkod-bayan na ang hangad ay makatulong sa panahon ng krisis tulad ni Cong. Alan.

Basta para sa kapakanan ng maraming kababayan, sulong lang.. ABANGAN!

FYI: Si APC at ang kanyang pinamunuang PHISGOC noon ang instrumental sa tagumpay ng Team Philippines na nag-overall champion sa ini-host ng bansang 30th Southeast AsianGames Philippines 2019.Sa Sports at sa Kongreso para sa Pilipino si Cayetano..WIN AS ONE!

Lowcut:Announcement from M-24 Builders of Guardians Canada, USA- Philippines founder/ organizer (Bro) DOC CHITO COLLANTES M24B1024 -June 12, 2021 Saturday,8AM (RSVP) we will have our INDOCTRINATION and MARKINGS of new M24!

What?:M24 CANADA-USA MANILA CHAPTER
When?: Saturday June 12,2021
Where?:2/F #71 Victoria St.Intramuros,ManilaPHILIPPINES.
Venue:AYAM WINGS FOOD HOUSE,near Bayleaf Hotel and OWWA Intramuros
Time: 8AM Sharp (Manila time)
Contact BRO @David Arvin Rmg CP#09665520493BRO @Ariel ManasCP#09669155587BRO @Randy Mana-ay Meses CP#09614427180

MARAMING SALAMAT PO! ( FYI)Si Founder Doc Chito Collantes bukod sa pagiging businessman at civic leader ay isa ring sportsman and patron.

The post ‘SAMPUNG- LIBONG PAG-ASA’ NI APC, SULONG SA BICAM appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
‘SAMPUNG- LIBONG PAG-ASA’ NI APC, SULONG SA BICAM ‘SAMPUNG- LIBONG PAG-ASA’ NI APC, SULONG SA BICAM Reviewed by misfitgympal on Hunyo 08, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.