Facebook

SEN. BONG GO NAKI-USAP NA ISANTABI MUNA ANG ISYU SA VISITING FORCES AGREEMENT

DAHIL nahaharap pa rin sa pandemya ang buong mundo, sinabi ni Senator Christopher Go na makakabuti kung isasantabi muna ang isyu ukol sa pagbawi sa Philippine – US Visiting Forces Agreement (VFA).

Ayon sa senador. para sa kanya ay kinailangang mangibabaw ang interes at kapakanan ng sambayanang Filipino. Hiling lang niya na pagkatiwalaan si Pangulong Duterte sa desisyon na suspendihin muna muli ang paglusaw sa VFA.

Pagdidiin niya, pinaninindigan rin lang ni Pangulong Duterte na ang Pilipinas ay malayang bansa at kailangan na irespeto ng iba ang sobereniya, partikular na ng mga kaalyadong bansa.

Sinabi pa ni Go na sa loob ng anim na buwan ay maaring marami pa ang mangyari sa pagitan ng Pilipinas at Amerika, kabilang na ang pagpapatibay pa ng husto ng relasyon ng dalawang bansa.

Nagpasabi na ang Pilipinas sa U.S. ng balak na pagtalikod sa kasunduan noong 2020 alinsunod sa ‘independent foreign policy’ ng administrasyon.

ICU UTILIZATION RATE SA DAVAO CITY, “CRITICAL LEVEL” NA ?

Samantala umaabot na sa 91 percent o nasa critical level na ang utilization rate ng mga Intensive Care Units (ICU) sa Davao City. Batay sa OCTA Research Group, ang utilization rate sa mga ospital sa Davao City ay nasa 67 percent.

Mayroon din ang nasabing lungsod ng one-week growth rate na 26% at positivity rate na 14% nakalipas na isang linggo. Maliban sa Davao City, nakitaan din ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa Tagum, Digos, San Pablo, Cebu, at Baguio.

Kasama sa listahan ng OCTA Research bilang “areas of concern” ang Davao City, Bacolod, Iloilo City, Cagayan de Oro, Dumaguete, Butuan, Tacloban, Palomolok sa South Cotabato, at Tuguegarao.

***

Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon mag-email lang sa balyador69@gmail.com.
Ugaliing makinig sa programang “BALYADOR” at “WALANG PERSONALAN TRABAHO LANG” mula lunes hanggang linggo 11:00am-12:00noon sa RADYO NG MASA entertainment net radio. tuwing sabado at linggo 12:00nn-12:30pm sa DWBL 1242 kHz am band, tuwing martes 9:30am RADYO NATIN 105.3 FM Pinamalayan at 10:00am RADYO NATIN 102.9 FM Victoria, tuwing huwebes 9:00-10:00am sa 96.9 FM RADYO NATIN Calapan City. Mapapanood livestreaming at Youtube live!

The post SEN. BONG GO NAKI-USAP NA ISANTABI MUNA ANG ISYU SA VISITING FORCES AGREEMENT appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
SEN. BONG GO NAKI-USAP NA ISANTABI MUNA ANG ISYU SA VISITING FORCES AGREEMENT SEN. BONG GO NAKI-USAP NA ISANTABI MUNA ANG ISYU SA VISITING FORCES AGREEMENT Reviewed by misfitgympal on Hunyo 19, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.