Facebook

Bong Go umayuda sa market vendors, TODA members sa Leyte

Iba’t ibang uri ng ayuda ang ipinamahagi sa mga naghihikahos na market vendors at Tricycle Operators and Drivers Association members sa Alangalang, Leyte bilang bahagi ng pangako ni Senator Christopher “Bong” Go na pagsisilbihan ang mga naghihirap na sektor para makabangon sa dulot ng COVID-19 pandemic.

Para masunod ang health protocols, hinati-hati sa grupo ang tinatayang 500 benepisyaryo na sumugod sa Alangalang Civic Center, upang tanggapin ang ayuda mula sa tanggapan ni Sen. Go.

Ipinaalala ni Go sa beneficiaries na ingatan ang kanilang kalusugan, imantina ang malusog na immune system at magpabakuna kapag nabigyan ng pagkakataon lalo’t bukas na ang vaccine rollout sa essential sectors na kabilang sa A4 category.

Gaya sa mga nakaraang pamamahagi ng ayuda, namigay din si Go ng bisikleta, mga sapatos at computer tablets.

Ang Department of Social Welfare and Development, sa pamamagitan ng Assistance to Individuals in Crisis Situation program nito, ay namahagi ng financial assistance para makatulong sa pagsisimula ng buhay ng benepisyaryo.

Sa pamamagitan naman ng Pangkabuhayan sa Pagbangon at Ginhawa program, ang mga kinatawan ng Department of Trade and Industry ang nagbigay ng livelihood opportunities sa mga tinukoy na beneficiaries.

Samantala, nagsagawa naman ang Technical Education and Skills Development Authority ng assessment sa recipients na nagkuwalipika sa scholarship program.

Labis na nagpasalamat si Sen. Go kay Representative Martin Romualdez, Governor Leopoldo Dominico Petilla, Vice Governor Carlo Loreto, Mayor Lovely Ann Yu, Vice Mayor Edwin Jomadiao at iba pang local government officials na sumuporta upang maayudahan ang kanilang komunidad sa gitna ng COVID-19 pandemic.

“Mga kababayan ko diyan sa Leyte, magtulungan lang po tayo. Alam ko pong hirap tayong lahat ngayon, hirap din po kami ni Pangulong Duterte. Subalit kayo po ang nagbibigay lakas sa amin para makapagserbisyo pa po sa inyong lahat. At malalampasan din natin ito bilang nagkakaisang mamamayang Pilipino,” ani Go.

Matapos nito, sunod na nagsagawa ang grupo ni Senator Go ng kaparehong relief operation sa may 200 beneficiaries, na binubuo rin ng market vendors at TODA members sa St. Joseph Parish Social Hall sa Barugo, Leyte. (PFT Team)

The post Bong Go umayuda sa market vendors, TODA members sa Leyte appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Bong Go umayuda sa market vendors, TODA members sa Leyte Bong Go umayuda sa market vendors, TODA members sa Leyte Reviewed by misfitgympal on Hunyo 19, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.