Facebook

Sen. Go walang balak kumandidato sa 2022 elections

“AKALA lang nila masarap”

Ito ang reaksyon ni Senador Christopher “Bong” Go nang uriratin kung tuluyan na ba niyang isinasara ang kanyang pinto sa pagkandidato sa pagkapangulo ng bansa.

Sinabi ni Go na hindi siya interesado sa posisyon ng pagkapangulo dahil batid niyang napakahirap ng trabaho ng lider ng bansa.

“I leave my fate to God, to the Dutertes, and to the Filipino people, to whom I owe the privilege of serving this nation as a public servant. For without them I will not be where I am now,” sabi ni Go.

“Ulitin ko lang po, pinapaubaya ko na po sa Diyos, pinapaubaya ko na po sa mga Duterte, at sa mga kapatid ko pong Pilipino na nagbigay po ng pagkakataon na makapagserbisyo po ako sa kanila. Kaya hindi ko po sasayangin itong pagkakataong ito,ibabalik ko po sa inyo ang serbisyo,” wika ni Go.

Ayon kay Go, nakita niya ang hirap ng trabaho dahil palagi siyang nasa tabi ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Nilinaw din ni Go na alam niya ang mga trabaho ng pangulo pero sadya aniyang malaking sakripisyo ito at dapat ay handa din ang nakaupong pangulo sa 24/7 na obligasyon sa bayan.

“Alam ko po ‘yun dahil matagal po akong nasa tabi ng ating mahal na Pangulo. Alam ko po na napakahirap po ng trabaho ng pagiging Pangulo dahil nasa tabi niya po ako. Akala niyo po masarap? Hindi po, kung gusto mong maging Pangulo dapat willing ka pong magsakripisyo, ubusin mo po ‘yung oras mo, 24/7 sa paglilingkod sa mga kapatid nating Pilipino,” dagdag ni Go. (Mylene Alfonso)

The post Sen. Go walang balak kumandidato sa 2022 elections appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Sen. Go walang balak kumandidato sa 2022 elections Sen. Go walang balak kumandidato sa 2022 elections Reviewed by misfitgympal on Hunyo 01, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.