Facebook

Tropang kasayahan sa QC bawal pa!

MULA  nang ipairal ang iba’t ibang mga paghihigpit at mga COMMUNITY QUARANTINE bilang bahagi na masupil ang pagkalat ng COVID-19 PANDEMIC ay nabago na ang sistema sa ating pamumuhay tulad sa mga pagdaraos ng iba’t ibang selebrasyon ay nalimitahan na at hanggang ngayon ay mahigpit pa ring ipinaiiral ang pagbabawal sa pagsasagawa ng dating nakagawiang tropang kasayahan.

Partikular na nagpapaalala sa ganitong sitwasyon ay ang QUEZON CITY GOVERNMENT sa pangunguna ni MAYOR JOY BELMONTE sa kadahilanang isa sa mabilis na hawaan ng virus ay ang DRINKING SESSION o inuman ng mga magkakaibigan o tropa o ng mga magkakapitbahay.

Sa ipinalabas na paalala ng QC GOVERNMENT mula sa kanilang mga tala ay 8 sa 27 areas na nasa ilalim ng GRANULAR o SPECIAL CONCERN LOCKDOWN (SCL) ay nadiskubreng sa mga inuman o drinking session nagkakahawaan tulad na lamang halimbawa sa isang wedding celebration o inuman ng lahat ng mga nagsidalo sa kasalan sa isang lugar sa BRGY. MATANDANG BALARA na 69 ang nakumpirmang nagka-covid at 25 sa mga ito ang inaantabayanan pa ang resulta nitong June 1.
“This is what we want to prevent – Covid 19 positive individuals infecting others in social gatherings without minimum health standards being observed. This is why we keep reminding people that gatherings such as inuman sessions are still strictly prohibited,” pahayag ni MAYOR BELMONTE.

May kabuuang 88 index cases ang nakumpirma sa mga lugar ng Del Mundo st. Brgy. Talipapa; lugar ng K-10th st., Brgy. East Kamias; Harvard st., Brgy. E. Rodriquez; Manggahan Citizen st., Interville III, Brgy. San Agustin; Area 5, Brgy. Capri; Labordo Compound, Brgy. Tandang Sora; Area 7, Luzon Ave., Brgy. Matandang Balara; at sa Geronimo st., Brgy. Sta. Monica.

Tinatayang nasa 1,017 pamilya ang nasa LOCKDOWN o SCL na ang mga ito ay isinasailalim sa swab testing.., na noong May 20 ay bumaba sa 16-katao ang nagka-covid sa SCL areas pero tumaas muli ang bilang ng mga nahawaan sa 29 hanggang kahapon.

Kaya naman sa mga taga-QC ay dapat maalarma kayo lalo na ang mga pasaway sa ipinaiiral na health protocols dahil nagbigay-utos si MAYOR BELMONTE sa inyong mga LAW ENFORCEMENT AGENCY na higpitan ang pagpapairal sa mga ordinansa.

“We are doing our best to control our numbers and yet some individuals continue to violate our protocols. We do not condone this disastrous behavior and will immediately impose legal sanctions on all those involved,” paggigiit ni BELMONTE.

Ang mga residente o pasimuno sa mga pampublikong kasayahan o selebrasyon na lalabag sa RA 11332 o ang “Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act” o mga lalabag sa anumang city ordinances ay iisyuhan ng ORDINANCE VIOLATION RECEIPTS (OVRs), show-cause order o kaya ay kakasuhan kapag hinde sinunod ang health protocols sa anumang mga aktibidades. Ang mga pribadong okasyon tulad ng religious activities, burol sa patay, kasalan at iba pang mga okasyon ay kailangang pasakop o sumunod sa kung ano ang panuntunang ipinaiiral ng QUARANTINE GUIDELINES na ipinalabas ng INTER-AGENCY TASK FORCE (IATF) at ng CITY GOVERNMENT.

Dahil dito, ang mga LAW ENFORCER sa naturang lungsod gayundin ang mga BARANGAY OFFICIAL ay compulsary na magsagawa ng pagpapatrolya at obserbahan ang mga iski-iskinita o mga loobang lugar para sawatain ang umpukan ng mga tao lalo na ang mga drinking session.

Ang mga paglabag sa mga umpukan ay hinihimok ni MAYOR BELMONTE ang mga residente o magkakapitbahay na mag-ulat o magbigay impormasyon ang mga ito sa QC HOTLINE 122 para maaksiyunan agad ang anumang mga reklamo ngayong pandemya.

“We encourage our residents to call out their neighbors and report these matters to us so that we can police these areas. It is our collective duty to stop the spread of this virus,” panawagan ni BELMONTE.

Sa mga taga-QC.., huwag pong maging pasaway o balewalain ang ipinaiiral na health protocols dahil kung ipaiiral ninyo ang pagiging pasaway tulad sa hinde pagsusuot ng facemask e baka pagkaaresto ang sasapitin ninyo at pag kayo e papalag o manlalaban sa mga law enforcer e dadami pa ang kasong kakaharapin ninyo… ika nga, pinakamainam ang maging LAW ABIDING CITIZENS!

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext sa 09085841303 para sa inyo pong mga panig.

The post Tropang kasayahan sa QC bawal pa! appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Tropang kasayahan sa QC bawal pa! Tropang kasayahan sa QC bawal pa! Reviewed by misfitgympal on Hunyo 01, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.