Facebook

Tindig Tsekwa

PALPAK na pamamahala, resulta, problema at krisis. Sa kapalpakan ng administrasyon ni Totoy Kulambo, ang bansa’y nalugmok sa ibat-ibang krisis. Mula sa kawalan ng hanapbuhay, kawalan ng makain sa hapag, pag-kawala ng anak na biktima ng EJK, dumaraming dayuhang tsekwa na ‘di tama ang pagpasok, lumalang epekto ng pandemya dahil sa kawalan ng tamang pagsasala sa mga dayuhang tsekwa na labas masok sa bansa, kawalan ng bakuna, at ang nawawalang mga isla na pinabayaan dahil sa kaibigan si XI. Ang lahat ng ito’y resulta ng palpak na pamamahala ng administrasyon ni Totoy Kulambo.

Sa maraming kawalan, dama ng pamilya ni Mang Juan ang kahirapan, hindi na umaasa sa pangako ni TK na gaganda ang buhay. Sa halip sa sariling kamay umaasa na kahit anong trabaho’y papasukin upang mairaos ang isang araw. May mga anak si Mang Juan na nagtayo ng paminggalang ng pamayanan upang makatulong sa mga kapatid na sadyang kapos at hirap itawid ang isang araw kung walang ayuda.

At dumami ang nais mag ambag para sa paminggalan ng pamayanan mula sa iba’t-ibang sektor ng lipunan. Sa pagtulong na ito, nariyan na mapipinturahan ng kulay pula ang anak ni Mang Juan na tumutulong sa kapatid sa ‘di sapat na ayudang natanggap sa pamahalaan. Wala silang narinig na pahayag kontra o laban sa pamahalaan subalit tinatalo ng panibugho sa dami ng mga tumangkilik dito.

Ang pagtangkilik ‘di lang sa paghingi ng ayuda maging sa pag-aambag ng mga donasyong makapagparaos sa isang araw sa buhay ni Mang Juan. Saan ang mali dito? Positibo ang epekto kay Mang Juan ng paminggalan subalit negatibo kay TK at sa pamahalaan nito. Sa kadahilanang labas ang kapalpakan nito sa pamamahala. Pero tanggap ang ayudang galing sa Tsekwa na sinusundo pa sa airport at merong programa pa na ipinalalabas sa media. Ikaw ba’y Pilipinong makapili o Tsekwa??

Sa maraming usapin, ang usapin ng teritoryo nawindang si Totoy Kulambo. Lumabas ang tunay na pagkiling nito sa mga tsekwa na talaga namang nasadlak sa kanyang pagkatao kung si Mang Juan ang tatanungin. Kahit sinong Pilipino na nasa matinong pag-iisip ang tatanungin, ang pagtalikod ni TK sa mga islang pag-aari ng bansa’y isang pagtatraydor sa bansa.

Walang sino mang pangulo ang tumalikod sa usapin ng teritoryo ng bansa at bukod tanging si Totoy Kulambo ang gumawa nito. Nakalimutan nito ang kasaysayan na nagsilang sa maraming Pilipinong bayani na nagbuwis ng buhay para sa bayan. At sa ginawang ito ni TK, tunay na ibinaba nito ang pagkatao hindi lang bilang lider ng bansa kundi ang pagiging Pilipino. Ang hirap na dinaranas ng bansa’y maaaring matiis ni Mang Juan, subalit ang pagtatakwil sa mga pag-aari nito lalo ang teritoryo’y hindi katangap-tangap.

Ano mang paraan ang gawin nito upang makapagpapogi sa mata ni Mang Juan ay hindi na katanggap-tanggap. Handang makikipagtiisan ito upang ipakita kay TK na ang ginawa nito’y walang kapatawaran. Ang panlilinlang noong 2016 at ang pagbebenta ng bansa sa mga Tsekwa’y malinaw na walang kapatawaran at kailangang bayaran. Hintayin mong bumaba at tiyak na may paglalagyan ka sa susunod na manunungkulan.

Hindi matatakpan ng maraming kasinungalingan ang katotohanan na ikaw TK ang dahilan sa malalim na problemang kinakaharap ng bansa sa darating na panahon. At hindi mo na muling magogoyo ang Pilipino na dumanas ng pagdarahop sa panahon ng iyong panunungkulan. Naubos na ang pasensiya ni Mang Juan lalo sa makapiling tulad mo.

Bistado ni Mang Juan ang tindig Tsekwa ni Totoy Kulambo mula POGO hanggang WPS. Ito ang tindig kung saan na kompromiso ang kaayusan ng bansa sa kalusugan, kabuhayan at ang seguridad ng bansa. Sa ngayon, nariyan ang paghahanda ng iba’t – ibang bansa na nagbubuklod dahil sa usaping seguridad, kaligtasan at ekonomiya.

Binabantayan ng mga ito ang kilos ng Tsina sa WPS para sa malayang paglalayag sa karagatan na hindi nababalam ang takbo ng mga kargamento o negosyo na kailangan ng bawat bansa. Hindi malinaw ang layunin ng Tsina sa pagkamkam sa mga teritoryong nabangit. Subalit malinaw sa maraming bansa ang epekto nito sa ekonomiya ng mundo.

Batid ng mga bansang nagbubuklod na hindi mapagkakatiwalaan ang Tsina dahil gagawin nito ang lahat upang dominahin ang ekonomiya ng mundo sa ano mang paraan. At sa pagsuko ni Totoy Kulambo sa karapatan ng bansa sa WPS na naipanalo sa UNCLOS malinaw na malaki ang epekto nito sa bansa at sa mundo. Ang pagbubuklod ng mga bansa upang tutulan ang Tsina’y isang tamang aksyon.

Sa bansa, hindi lang pangkabuhayan ang nawala sa pagsukong ito, maging ang respeto ng maraming namumuno ng bansa sa tindig na ito ni TK. Kay Mang Juan, hindi lingid ang tindig Tsina ni TK na tuwiran ang pagkiling na kahit ang bansa’y ibinenta sa kamay ni XI. Ang hindi natin alam kung ano ang nasa ilalim ng pagtataksil na ito? Kabuhayan ba ng bayan o buhay ng kanyang pamilya, nagtatanong lang po.?

Sa totoo lang, walang tindig si TK na nagsasaad sa kagalingan ni Mang Juan. Walang tamang pahayag kung paano lulutasin ang dinaranas na kahirapan ni Mang Juan. Patuloy ang makapiling tindig na inuuna ang interes ng among si XI sa halip na kay Mang Juan. Hay paano na ang bukas at ang darating na panahon? Ang mga Pilipino ba’y makikita na lang sa iba’t-ibang bahagi ng mundo at may iba ng lahi sa kawalan ng lugar sa bansang sinilangan dahil sa palpak na pamamalakad ni Totoy Kulambo.

At ngayo’y nagnanais pang maging bwiset-presidente, ano para saan o baka naghahanda para hindi makulong sa pagpasok ng bagong pamahalaan. Ang tindig mong pabor sa Tsekwa ang naglagay sa iyo at sa iyong pamilya sa kumunoy ng kawalan sa hinaharap. Ang hustisya ang hinahanap sa hinaharap upang pagdating ng mga bagong pamunuan ang pagmamalabis ay hindi tularan at sumulong ang bayan… Buhay ang kabayaran sa nagtaksil sa bayan.

Maraming Salamat po!!!

The post Tindig Tsekwa appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Tindig Tsekwa Tindig Tsekwa Reviewed by misfitgympal on Hunyo 01, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.