Nanggagalaiti sa galit si PNP chief,Gen.Guillermo Eleazar nang komprontahin si Police Master Sgt.Hensie Zinampan na bumaril at nakapatay sa isang 52-antos na babae sa Greater Fairview,Quezon City.
Binaril ng malapitan ng lasing na si Zanampan ang ginang gamit ang kanyang service firearm na 9mm.
Napag-alam na dati ng may alitan ang pulis na si Zinampa at ang lalaking anak ng biktima.
Nagviral ang video na kuha sa brutal na pamanaril ng suspek na pulis.
Personal na tinungo ni Gen.Eleazar ang suspek sa Camp Jaime Karingal kung saan ito nakaditine makaraan arestuhin ng kanyang mga kabaro makaraan ang brutal na pamamaril.
Gigil na gigil si Eleazar sa suspek dahil hirap na hirap ang PNP sa layon nitong linisin ang maruming imahe ng pambansang kapulisan sa mata ng manamayan.
Di natin masisisi ang Chief PNP sa reaksyon nito na halos gusto na niyang lakumusin ang pagmumukha ng pulis na si Zinampan na gumawa ng karumal-dumal na krimen habang nasa ilalim ng ispiritu ng alak.
Maging malaking leksyon nawa ito sa mga alagad natin ng batas na maging mapagtimpi at gamitin lamang ang kanilang mga baril laban sa mga salot ng lipunan at pagtatanggol sa kanilang mga sarili sa oras ng panganib.
Wag gamitin ang baril sa pagyayabang,pananakot o pagganti sa kanilang mga personal na kaaway.
Wala tayong kinakampihan sa kasong ito at maari ring may dahilan kung bakit nagawa ng suspek na biruin ang biktima,ngunit dahil sa alagad siya ng batas,lumagpas ang kanyang inasal sa mga tungkulin ng isang pulis na paglingkuran at proteksyonan ang mamamayan.
Ang viral video na nagpapakita ng naganap na krimen ay hindi kabuuan ng puno at dulo ng pangyayari kung kaya wala sa ating mga netizen ang paghusga sa pulis na si Zinampan.
Sapat na at makatarungan ang ipinakita ng PNP na kahit kabaro nila ay kaya nilang arestuhin kaagad-agad kung makakagawa ng krimen.
Maging si Gen. Eleazar,bilang ama ng kapulisan ay agad humingi ng sorry at kapatawaran sa pamilya ng napaslang na biktima at tiniyak na pagkakalooban ng hustisya ang nangyaring pagpaslang.
Tila may malaking pangangailangan sa hanay ng PNP tingnang maigi ang estado ng pag-iisip ng bawat miyembro ng PNP upang matiyak ang kaligtasan ng taongbayan sa ilang may sayad at mga may topak ng pulis.
Panahon na upang higpitan ang neuro exams na ipinagkakaloob sa mga pulis natin upang masigurong may karapatan at kakayahan ang mga ito na magtaglay at magbitbit ng mga baril.
Kung ganitong di marunong magdala ng armas ang mga pulis natin,batuta na lamang dapat at stun gun ang iisyu sa mga kupal na ito.
Ano sa palagay nyo Gen.Eleazar sir?
May kasunod…
Abangan!
***
PARA SA INYONG KOMENTO,REAKSYON AT SUHESTIYON,MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP NO.0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com
The post “Tang Ina ka” appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: